Sanaysay: Dahilan sa pagsusulong ng face to face classes
Sa ngayon, mapapansin natin na nagiging dahilan ng pagsusulong ng face to face classes ay ang problemang kinahaharap ng maraming estudyante ngayon sa pag-aaral nila. Isa na dito ang mga modular learnings kung saan hamon ito na hindi masyadon natututo ang mga bata at ini-aasa nalang sa magulang kalimitan ang mga sagot. Kabilang rin dito ang mga online classes na marami sa mga estudyante ang walang gadget at kulang sa mga ito at maging ng internet connection o Wifi. At marami ring ingay at panggambala sa paligid na nakakaagaw atensyon sa mga nag-aaral.
Hindi sukat akalain ng maraming estudyante na hahantong sila sa ganitong sitwasyon. May mga magulang na hindi gaanong handa sa ganitong kalagayan ng edukasyon para magturo sa mga anak. Malaki talaga ang epekto ng mga online classes at modular learnings sa buhay ng bawat estudyante at masasabing hamon ito sa buhay nila. Pero alam natin na pagsusulong ng face to face classes ang tanging paraan upang maibalik sa ayos ang paraan ng pagkatuto ng mga bata. Ito talaga ang nakasanayan na gawin ng lahat sapagkat iba ang epekto ang pagpasok mismo sa paaralan.
Sa kabilang banda, kahit nais maibalik agad ang ganitong sitwasyon, mahirap makipagsabayan sa kumakalat na virus na kumikitil ng maraming buhay. Hindi makakabuti kung ipipilit ang face to face classes kung sarili mismo ang nakasalalay dito. Kahit mahirap ang pinagdadaanan ng maraming estudyante, sikapin ang buong makakaya na makapag-aral at matuto nang sa gayon ay makamtan ang kinabukasan na hinahangad natin. Walang ibang tutulong kundi ang sarili natin mismo sa pagkuha ng edukasyon. Magkaroon ng mahabang pagtitiis at mapaghintay na saloobin na magiging maayos na ulit ang lahat at makakabalik na sa dating paraan ng pag-aaral.
Answers & Comments
Verified answer

Tingnan pa ang mga link na ito:
Sanaysay tungkol sa edukasyon sa new normal: brainly.ph/question/5626840
Ang kahalagahan ng edukasyon:
brainly.ph/question/4423422
brainly.ph/question/2515853
#BrainlyEveryday