Lahat ng tao sa mundo ay may pangarap sa buhay, ika nga nila ay libre ang mangarap sa buhay. May mga tao na kontento na nangangarap lamang at meron namang gumagawa ng paraan para maabot ito. Tayo ay may kanya kanyang pangarap sa buhay, at kanya kanya din tayo ng opinyon at pamamaraan tungkol dito.
Marami sa mundo ang nangangarap at ginagawa ang kanilang makakaya upang maabot ito para narin sa kanilang mga mahal sa buhay at meron din namang ginagawa lamang inspirasyon ang kanilang mga pangarap para magpatuloy sa buhay at kontentô na sa kasàlukuyang kalàgayan ńg kànilàng pàmùmuhay. Maraming buhay na ang naitampok sa mga palabas sa telebisyon tungkol sa mga pangarap nila na natupad at kasalukuyan itong nagiging inspirasyon ng mga mamamayang nakakapanood nito. Karamihan sa kanila ay may ginawang aksyon para makamtan ang kanilang mga pangarap sa buhay. Ang mga ito ay talaga namang matiyaga kaya't nakakainspire at talagang kapupulutan ng aral.
Para sa akin, mas maganda ang may gawin tayo habang tayo ay nangangarap. Mananatili lamang kasing pangarap ang isang pangaral hangga't wala tayong ginagawa para makamit ito. Hindi ba't napakagandang pagmasdan na naabot mo ang iyong pangarap sa buhay na iyong pinaghirapan kaysa sa patuloy na mangarap at hindi ito maabot? Oo nga at libre at walang bayad ang mangarap, ngunit mas maganda ang pangarap mo na naabot mo at maipagmamalaki mo sa buhay. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Mangarap ka at abutin mo ito, ngunit kung ayaw mo ika'y patuloy paring mangarap at gawin itong inspirasyon para magpatuloy sa buhay.
Answers & Comments
Verified answer
PANGARAP
Sanaysay tungkol sa pangarap.

Samantha niyo pagod na
==================
#CarryOnLearning
==================