Ang mga Moro (Ingles: Moor, Moorish) ay ang katawagang sa mga Muslim na naninirahan sa Morocco, kanlurang Alherya, Kanlurang Sahara, Mauritania, Tangway ng Iberia, Septimania, Sicilia at Malta noong Gitnang Kapanahunan (Panahong Midyebal). Tinawag ng mga Moro ang kanilang teritoryong Iberiano bilang Al-Andalus, isang pook na binubuo ng Gibraltar, ang karamihan sa mga pook na ngayon ay pangkasalukuyang Espanya, Portugal, at bahagi ng Pransiya. Mayroon ding mga Moro sa pangkasalukuyang katimugang bahagi ng Italya pagkaraang saklawin nila ang Mazara noonghanggang sa panghuli nilang pamayanan sa Lucera ay nawasak noong 1300. Ang kaibahan sa relihiyon ng mga Muslim na Moro ay humantong sa isang hidwaang nagtagal nang mga daantaon laban sa mga mga kahariang Kristiyano sa Europa, isang hidwaang tinawag bilang Rekongkista (Reconquista). Ang Pagbagsak ng Granada noong 1492 ang nakamalas sa pagwawakas ng pagkakaroon ng mga Muslim sa Iberia.
Answers & Comments
Answer:
Moor, Moorish
Explanation:
Hope it helps