Sagutin ang sumusunod na tanong nang maiksi at malikhaing paraan na naglalaman ng kaisipan. ito ay May hashtag na #Malikhaing Pagpapahayag.
1. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng mga pormang suprasegmental sa pagbuo ng malikhaing pagpapahayag ng butil ng karunungan?
Answers & Comments
Answer:
mag aral ka muna bgo bigay sagot
"TANONG"
1.) Ano ang kahalagahan ng paggamit ng mga pormang suprasegmental sa pagbuo ng malikhaing pagpapahayag ng butil ng karunungan?
"SAGOT"
Ang kahalagahan ng paggamit ng mga pormang suprasegmental sa pagbuo ng malikhaing pagpapahayag ng butil ng karunungan dhil ang Ponemang Suprasegmental ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at maiparating ang tamang damdamin sa pagpapahayag.
Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring makapg-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay. Ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin samantalang ang punto ay ang rehiyonal na tunog o accent. Halimbawa: Ang ganda ng tula? (Nagtatanong/Nagdududa), Ang ganda ng tula. (Nagsasalaysay) at Ang ganda ng tula! (Nagpapahayag ng kasiyahan)
Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. Halimbawa: /balah/, (bullet), /bala/ (threat), /tu.boh/ (pipe) at /tuboh/ (sugar cane)
Ang hinto o antala nman ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinapahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi-kolon, at kolon sa pagsulat upang maipakita ito. Halimbawa: Hindi maganda. (Sinasabing hindi maganda ang isang bagay) at Hindi, maganda. (Pinasusubalian ang isang bagay at sinasabing maganda ito.)
Bukod sa mga ponemang suprasegmental ay nakatutulong din sa mabisang pagpapahayag ang mga di- berbal na palatandaan gaya ng kumpas ng kamay at galaw ng mata at katawan lalo na sa pagbigkas ng tula. Ang pagkumpas ay mahalagang sangkap sa sining ng pagbigkas ng tula. Ginagamit ito upang maihataid ang damdamin ng tula sa madla o mailarawan ang kaisipang inilalahad nito. Dapat tandaan na ang bawat kumpas ay kailangang maging natural, hindi pasulpot- sulpot ang kamay at lalong hindi palamya-lamya ang galaw ng bisig.
Kailangang ang kumpas ay maging angkop sa daloy ng damdaming nais ilarawan. Ang wastong pagkumpas ay nakatutulong sa pagpapataas ng damdamin hanggang marating ang pinakamaigting na damdaming inihahatid sa madla. Gayundin, mahalaga sa pagbigkas ang disiplina. Maging ang galaw ng mata at katawan ay dapat magkaroon ng kaisahan. Kung ang pokus ng paningin ay sa gawing kaliwa, lahat ng pares ng mata ay dito dapat nakatuon. Ang paglalapat ng angkop na galaw ay nakadaragdag sa kagandahan o kasiningan sa pagpapahayag. Ang kumpas o kilos na gagawin ay dapat umaayon sa diwang isinasaad ng nais sabihin o bigkasin.
Sana Makatulong❤️
Please respect my answer
Pabrainiest po ❤️