Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat sa isang sagutang papel.
1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang
Pilipinas?
2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na nakasulat nang pahilig: “Kailangang
magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga
katutubong wika.”
3. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang
pambansa?
Answers & Comments
Bakit nga ba kaylangan na magkaroon ng wikang Pambansa?
Dapat magkaroon ng wikang pangbansa,para mas lubos tayong magkaunawaan, sapagkat dahil sa wika nagkakaintindihan tayong lahat. Naipapahayag mo Kung anu ang iyong mga saloobin at nais na iparating sa iba. Ang wika din ang sumasalamin sa ating sariling bansa napakahalaga ng wika lalo na sa edukasyon sapagkat sa pamamagitan nito mas lalo nating nauunawaan ang ibat-ibang bagay tungo sa ating pagkatuto. Maging sa Relihiyon at usaping pang ekonomiya ay napakalahaga din ng wika, sapagkat ito ang nagbubuklod-buklod sa ating lahat. Maraming kasanayan ang ating natututunan ng dahil sa wika.
Sinasabing ang Pilipinas daw ay isa sa mga Bansang mayroong may pinakamaraming wika na ginagamit kasama na dito ang wikang tagalog at mga katutubong wika, bukod dito gumagamit din tayo ng mga wikang banyaga. Anuman ang wikang ginagamit nating mga Pilipino, ang mahalaga ay nagkakaintindihan tayo at mayroong iisang hangarin na mapaunlad ang ating Bansa.
Ang ilan sa mga Wika dito sa Pilipinas
▪Ang Tagalog
▪ANg wikang Ilokano
▪Ang wikang Maranao
▪Ang wikang Cebuano
▪Ang wikang Bikol
▪Ang wikang Kapampangan
▪Ang wikang Pangasinense
▪Ang wikang Waray
▪Ang wikang Maranao
▪Ang wikang Maguindanao
▪Ang wikang Tausog
▪Ang wikang Hiligaynon
Maaaring sabihin na ang wika ay ang isa sa pinaka mahalagang batayan ng kultura ng tao. Ang kanya kanyang kultura ay may sariling wika, ngunit kung susuriin ang wikang Pilipino, makikita natin na hindi lahat ng parte ng ating wika at masasabing mula sa Pilipinas. Dahil dito maaaring sabihin na nangangailangan pa ang mga Pilipino ng isang wika na atin lamang, na walang bahid ng impluwensiyang mula sa ibang bansa o kultura.
NOMBER3
Bilang isang kabataan maipakikita ko ang pagpapahalaga sa wikang pambansa sa pamamagitan ng patuloy na paggamit nito sa pakikipagtalastasan at patuloy na pagpapayaman sa wasto at tamang gamit nito.