Sagutin ang mga sumusunod na tanong isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel.
1. Bakit dapat nating isaalang-alang ang pagsunod sa alintuntunin sa paghahanda at pagluluto ng
ating pagkain?_______________
2. Ano ang kahalagahan ng paggamit o pagsusuot ng apron sa pagluluto?________________
3. Ano ang dapat gawin sa karne o gulay bago natin ito hiwaain o balatan?______________
4. Mahalaga ba na sa pagluluto ay gumamit ng basahan o potholder? Patunayan ito.___________
5. Ano ang dapat gawin sa mga kagamitan sa pagluluto at sa pinag gawaan?__________
Answers & Comments
Answer:
1. Ang mga alituntunin ay binuo o ginawa para sa ikabubuti nating lahat kahit na sa anong mga gawain. Halimbawa nito ay ang pagluluto, dapat nating isaalang-alang ang pagsunod sa alintuntunin sa paghahanda at pagluluto ng ating pagkain dahil ito'y gumagabay sa atin kung paano gawin ang nais nating lutuin. Dito nakasalalay ang lasa at kahit na ang ating kaligtasan.
2. Ang apron ay importante sapagkat tumutulong ito upang mapanatiling malinis ang pagkain na iyong niluluto.
3. Dapat ay huhugasan muna bago ito hihiwain o balatan para mawala ang mga natitirang dumi na dumikit sa mga ito na maaaring mahalo sa iyong niluluto at makapagdudulot ng sakit.
4. Oo, sapagkat ito'y tumutulong sa atin na mahawakan ang mga gamit pangluto na mainit. Ito ay madalas na nagagamit sa pag bukas ng oven o takip ng kaldero upang maiwasan ang pagkapaso.
5. Pagkatapos gamitin ang mga kagamitan pangluto at sa mga pinag gawaan ay dapat hugasan itong maagi na may sabon at banlawan. Pagkatapos ay lagyan ng mainit na tubig bilang pamatay sa mga germs na natitira. Sa madaling salita, bilang sanitation.
Anuman ang ginagamit mo upang hugasan ang pinggan, tandaan: ang lahat ng mga nakamit ng sintetiko na kimika sa anyo ng mga pulbos, pastes at gels ay hindi ligtas sa kalusugan. Tanging isang masusing magagamit na banlawan ay maaaring garantiya ng isang kumpletong paglilinis ng mga pinggan mula sa mga nakakapinsalang sangkap na nilalaman ng mga solusyon sa paglilinis.
Explanation:
Hindi ako syur sa mga salitang ginamit ko kung tama ba pero ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Sana makatulong.