Questions


August 2022 2 1 Report
Sagutan ang mga sumusunod:

A Panuto: Iguhit ang (dahon) kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko at (lata) kung hindi. Iguhit ang sagot sa sagutang papel.

1. Sinisiksik nito ang lupa.

2. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig.

3. Madaling matuyo ang lupa.

4. Pinatataba ang lupa at nagiging maganda ang ani.

5. Matipid, at maaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono.

B. Lagyan ng wastong bilang (1-5) ayon sa pagkakasunod-sunod na hakbang sa paggawa ng compost.

1. Pagsamasamahin ang mga tuyong dahon, nabubulok na gulay, prutas, pagkain, at iba pang nabubulok na bagay.

2. Patungan ito muli ng lupa, abono, o apog. Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang sa mapuno ang hukay.

3. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at malayo layo sa bahay. Humukay ng may isang metro ang lalim.

4. Diligan ang ibabaw araw-araw. Kung tag-ulan, takpan ito ng yero. Palipasin ang dalawang buwan o higit pa bago gamitin.

5. latag ang nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 30 sm ang taas. Patungan ito ng dumi ng hayop.

C. Panuto. Isulat ang salitang organiko kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko at di-organiko kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay nagpapayaman sa lupa upang makuha ng ugat ng mga pananim ang mga sustansyang kailangan upang lumaki itong malusog.

_2. Ang abonong organiko ay pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig.

3. Mag ipon ng mga di-nabubulok na basura.

4. Paulit-ulit na lagyan ng nabubulok na basura, lupa o apog ang hukay hanggat mapuno ito.

5. Palipasin ang isang buwan bago gamitin ang compost.

C. Lagyan ng titik A-E ayon sa pagkakasunod-sunod na mga hakbang sa paggawang compost.

1.ilagay rito ang mga nabubulok na bagay tulad ng dahon, prutas, guiay at mga tirang pagkain.

2. Takpan ng dahon ng saging o yero upang hindi langawin.

3. Maghanda ng mga lalagyang maaring iresaykel o gumawa ng hukay.

4. Lagyan muli ng lupa at diligin.

5. Gawin ang proseso hanggang mapuno ang lalagyan. Palipasin ang dalawang buwan bago gamitin.

please pasagot po lahat...​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.