sa
Bawat isa ay may iminungkahing gawaing sila rin ang gaganap.
Napagkasunduan pa na magkakaroon ng isang paligsahan
pinakamalinis na kalye sa barangay.
Natapos ang pulong nang mag-iikawalo na ng gabi dahil sa
nakawiwiling talakayan. Kasama na rin dito ang pagkukuwentuhan na
hindi naman maiaalis sa ganitong pagkakataon.
Umuwi akong masaya kahit pagod dahil sa tuloy-tuloy na gawain.
Masaya, dahil may nagampanan na naman kaming isang tungkulin sa
aming barangay.
Naiisip ko tuloy na kung ang kabataan sa lipunang ito ay may kani-
kaniyang tungkulin sa pamayanan o nakikilahok sa mga proyektong
pampamahalaan, tiyak na uunlad ang lipunang ito. Magiging abala ang
kabataan, maiiwasan ang pagkalulong sa masamang bisyo na siyang
mabigat na suliranin ng pamahalaan. Mawawala rin ang mga istambay
sa maraming lugar.
Tungkulin ng kabataan ang maglingkod a bayan. Umpisahan natin
sa ating barangay.
Nahiga ako pagkakain. May ngiti pa sa labi na
srry..
Answers & Comments
Answer:
ano po ba ang tanong po dine