DATI-RATI ang Independence Day ay ipinagdiriwang kung July 4th pero pinalitan ni dating President Diosdado Macapagal at ginawang June 12. Sa Kawit, Cavite unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas.
Pinagkakaabalahan at binibigyan ng kahalagahan ng mga pinuno ng pamahalaan ang pagdiriwang ng Independence Day tuwing June 12th. Halos sabay-sabay ang mga bonggang selebrasyon na ginaganap hindi lamang sa Kawit at Luneta kundi sa mga iba’t ibang lugar ng Pilipinas na dinadaluhan ng mga pangunahing pinuno ng pamahalaan at ng mga opisyal ng ibang bansa.
Subalit, dapat nga bang kailangang ipagdiriwang natin ang kalayaan? Tunay nga bang may kalayaan na tayo? Ano pa ba ang kahulugan ng kalayaan? Totoo bang naging malaya na ang mga Pilipino mula pa noong 1898 o noong 1946? Makatotohanan bang sabihin na tunay na nabubuhay ang mga Pilipino sa sariling kayod, sipag at tiyaga na walang tulong mula sa ibang bansa?
Marahil ay dapat nating harapin na talagang hindi pa malaya ang Pilipinas. Nakasandal pa rin tayo sa ibang bansa. Siguro nga ay ito ang masama. Umaasa pa rin tayo sa limos ng mga makapangyarihang bansa kung kaya’t hindi tayo makaahon-ahon sa ating sariling sikap. Para tayong isang bata na nabubuhusan ng napakaraming pera na kaya’t nilalaspag lamang ang lahat dahil may inaasahang may magbubudbod ng grasya. Gising mga Pinoy!
Answers & Comments
Answer:
magalit Ang teachers mo sa San isidro high school in balabagan Lanao Del sur...dahil poro ka brainly