Papet ang Ikalawang Republika ng Pilipinas na pinamunuan ng dating Presidente Jose P Laurel mula 1943 hanggang 1945 dahil ang pamahalaan, bagamat pinamumunuan ng mga Pilipino, ay direktang kinokontrol ng mga mananakop na Hapones... (mula sa brainly.ph/question/275226).
Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas na itinataguyod ng mga Hapones, ay isang papet na estadong itinatag noong ika-14 ng Oktubre, taong 1943, pagkatapos ng pagsakop ng Hapon sa Pilipinas.
Batid ng mga Hapones na matindi ang hangarin ng mga Pilipinong maging malaya. Ang damdaming ito ay kinasangkapan ng mga Hapones upang mahikayat ang mga Pilipinong makiisa sa kanilang layunin.
Matamlay ang naging pagtanggap ng mga Pilipino sa republikang ito. Batid nila na ang kalayaang ipinagkaloob ng mga Hapones ay huwad at ang republika ay isang pamahalaang papet. Ito ay dahil ang mga Pilipinong opisyal ay tau-tauhan lamang ng mga Hapones. Walang kalayaan si Laurel na mamuno ayon sa mithiin ng mga Pilipino. Ang mga tagapayo ay hindi nagpapayo kundi nag-uutos ng dapat gawin. Ang kanilang mga iniuutos ay pawang pabor sa kagustuhan at layunin ng mga Hapones. Ngunit may mga pagkakataong nangibabaw kay Laurel ang kayang maka-Pilipino. Minsan hindi niya sinusunod ang mga utos ng Hapones kung alam niyang hindi ito makabubuti sa mga Pilipino. Ikinagagalit ito ng mga Hapones sa kanya.
Papet ang Ikalawang Republika ng Pilipinas na pinamunuan ng dating Presidente Jose P Laurel mula 1943 hanggang 1945 dahil ang pamahalaan, bagamat pinamumunuan ng mga Pilipino, ay direktang kinokontrol ng mga mananakop na Hapones
Answers & Comments
Verified answer
Answer✏️
Answer✏️
Papet ang Ikalawang Republika ng Pilipinas na pinamunuan ng dating Presidente Jose P Laurel mula 1943 hanggang 1945 dahil ang pamahalaan, bagamat pinamumunuan ng mga Pilipino, ay direktang kinokontrol ng mga mananakop na Hapones