Sa kasalukuyan ay nakararanas tayo ng krisis dulot ng COVID-19. Marami ang nagkakasakit namamatay, ang
nawalan ng hanapbuhay. Pagkatapos mong marinig ang mga balita tungkol sa hindi magagandang epekto nito.
bumuo ng larawan sa isipan sa kung ano ang nais mong maging tagpuan ng mag-aaral na gaya mo sa hinaharap.
Isulat ang iyong nabuong paglalarawan sa isang malinis na papel.
pasagot Po please
❗warning ❗
Answers & Comments
Bilang isang mag aaral na nakararanas ng hindi magandang epekto dulot ng covid-19 ay ninais kong tanggapin ang makabagong sistema ng edukasyon labag man sa aking kalooban, ngunit kung ako ay bibigyan ng pagkakataong mailahad ang ninanais kong mangyari sa hinaharap ay nais kong manumbalik ang kaayusan sa ating mundo tulad ng pagkakaroon ng sapat na edukasyon kung saan ang mga bata ay nakakapasok ng walang hadlang o balakid sa paaralan, nagagawa ang iba't ibang aktibidad na inilulunsad ng paaralan.
Explanation:
Bagaman ang buhay na nais ko sa hinaharap ay taliwas sa kasalukuyan, gusto kong maging modelo ng kabataan na maging positibo at patuloy na nangangarap, isang mag aaral na handang suungin ang pinaka mahirap na balakid na dinaranas ng ating mundo maabot lang ang kanyang mga pangarap.