Questions


September 2022 1 2 Report
sa iyong palagay kanino pinatungkol ng may akda ang mensahe ng inihatid ng tula?

karunungan ng buhay

sa buhay ng tao ay may mga karanasan
na kailangan iwasan at dapat ayusin tandaan at tuwina'y pangkaisipan mahalagang ingatan tulad ng kayamanan

iwasan:
pag nagtanim ng hangin
bagyo ang aanihin
ubos ubos biyaya
bukas nakatunganga

ayusin:
ang lumakad ng matulin
kung matinik ay malalim
ang hindi lumingon sa pinanggalingan
di makararating sa paroroonan

pakaisipan:
sa anumang lalakarin
makapito munang isipin nasa
diyos ang awa nasa
tao ang gawa

tandaan:
Kung hindi ukol
hindi bubukol
kung ano ang bukambibig
siyang laman ng dibdib

ingatan:
anak na di paluhain
ina ang patatangisin
ang kayamanan
ay kalusugan

tularan:
daig ng maagap
ang masipag
lakas ng katawan
daig ng paraan

nabanggit ni lolo mga karunungan sa buhay na maaaring maging gabay sa aking palagay ito ang mga bagay na dapat mong isabuhay ng maging huwaran ng mahal sa buhay​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.