Questions


August 2022 2 1 Report
Sa isang kabundukan ay may isang munting ibon ang inagawan ng Uwak ng pagkain at pagkatapos ay pumunta sa isang lugar kung saan niya kakainin ang naagaw niya nang walang gagambala sa kanya. Akma na niyang kakainin ang pagkain ng may biglang bumati sa kanya sa ilalim ng puno na ang sabi "Napakaganda mo talaga Uwak. Ang ningning ng iyong mga mata". Bilang pagsang-ayon ay kumurap-kurap ang kanyang mga mata. "Ang ganda ng balahibo mo, higit siguro kung nakabuka ang iyong mga pakpak". Anupa't laging sinusunod ng Uwak ang bawat sinasabi ng Lobo. Dagdag ng lobo ay sinabing, "Maganda rin siguro ang iyong tinig." Biglang nagsalita ang Uwak, upang ipagmapuri ang tinig niya kay't nahulog ang pagkain na nasa kanyang tuka. Sinalo at kinain agad ng lobo ang pagkain at pahalakhak na sinabing napaglalamangan lang kita. Malungkot na lamang na tinanaw ni Uwak ang Lobo na nanloko sa kanya.
8. Mga Tauhan : A. Uwak B. ___________.
A. Langgam
B. Lobo
C. Aso
D. Uso
9. Saan ang tagpuan ng kuwento?
A. dagat
B. siyudad
C. kagubatan
D. dalampasigan
10. Alin ang nangyari sa kuwento?
A. Ang uwak ay bumili ng pagkain
B. Kinuha ng uwak ang pagkain mula sa lobo
C. Magkaibigan ang uwak at lobo sa kuwento
D. Naisahan ng lobo ang uwak sa kanyang ginawa

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.