Sa Gitna ng Pagsubok
(Tula ng pananampalataya)
Salamat Panginoon sa araw na ito
Muli mong pinadama ang pagpapala mo
Lahat ng Biyaya na tinatanggap ko
Walng ibang nais kundi ialay ko sa iyo.
Sa araw na ito, ako'y gabayan
Pagsubok nawa ay akin nang malampasan
Pagkakataon sana ay muling pagbigay
Hiling ng kagalingan akin nang makamtan.
Alam ko pong ito'y bahagi ng iyong plano
Mangyari nawa ang siyang kagustuhan Mo
Salamt Panginoon sa buhay kong ito
Palaging nadarama ang pagmamahal mo.
Mga pagsubok man sa akin ay dumating
Lahat po Poon ko ay handa kong harapin
Ako po nawa ay Inyo pang patatagin
Pananampaltaya'y lalo pang paigtingin.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang paksa ng tula?
2.Bakit nagpapasalamat sa Panginoon ang may akda?
3.Kanino nya inaalayang mga natanggap niyang biyaya?
4.Ano-ano ang hinihiling niya sa araw na ito?
5.Paano nya tinatanggap ang mga pagsubok?
6.Bakit kaya niyang tanggapin ang mga pagsubok na ito?
Answers & Comments
Answer:
1. tula ng pananampalataya
2. dahil muli mong pinadama ang pagpapala mo lahat ng biyayana tinatanggap ko walang ibang nais kundi ialay ko sa inyo.
3. sa panginoon
4. sa arar na ito ako'y gabayan pagsubok nawa'y akin nang malampasan pagkakataon sana ay muling pagbigay hiling ng kagalingan akin nang makamtan.
5. alam ko pong ito'y bahagi ng iyong plano mangyari nawa ang siyang kagustuhna mo.
Explanation:
yan lang po sagot ko sana po makatulong