Questions


October 2022 1 1 Report
Sa babasahing tula, mauunawaan mo kung paanong
ang kagubatan ay nagiging tagapagligtas ng buhay at ari-arian.
Malalaman mo rin ang kaisipang inilalarawan ng may akda.
Kagubatan
Ang kagubatan ay iyong pahalagahan
Sapagkat ito ay kayamanan
Malaking tulong sa ating kabuhayan
Dahil tagapagligtas sa pambansang pamumuhay.
May mga taong ang isipan ay baluktot
Walang habas nilang pinuputol ang mga puno
Kagubatan kanilang pinapanot
Basta’t magkaroon lang ng malaking tubo.
Hindi nila iniisip na ang puno ang sumasagip
Sa tubig-ulan, ugat din ang sumisipsip
Upang baha sa atin ay hindi maminsala
Ugat din ang pipigil nang hindi mailibing sa pagguho ng lupa.
Ang kagubatan ang tinggalan ng tubig
Dahil panabing niyang makapal mga tuyong halaman at ugat
Ngunit kung susunugin nilang mga nagkakaingin
Ang sapin ng gubat ay mahahantad sa araw at sa hangin.
Sa pagsapit ng tag-ulan, ang tubig ay di na maglalagos
Sa ibabaw ng lupa ay titibag at aagos
Kaya tayo’y dadaanan ng baha
At matatabunan sa pagguho ng lupa.

Ikatlong Markahan
Panuto: Basahing muli ang bawat saknong ng tula. Isulat sa bawat
talulot (petal) ng bulaklak ang kaisipang inilalarawan na nais ihatid
ng bawat saknong ng tula. Isulat ang iyong sagot sa isang buong
papel.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.