Sa araling ito ay inaasahang makagagamit ka nang may pagpapahalaga
at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman. Inaasahan ring
makapagpapakita ka ng tapat na pagsunod sa mga batas pambansa at
pandaigdigan tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran. Batid kong iyong
natutuhan mula sa ibang asignatura ang patungkol sa kabuhayan at
pinagkukunang-yaman ng ating mga ninuno at mamayan lalo sa mga taga-
CALABARZON. Ngunit alam mo ba na ito ay may kaakibat na mga pananagutan
at dapat alinsunod sa batas pambansa at pandaigdigan Pag-aralan ang mga
larawan. Ano-ano ang ipinapakita ng mga ito?
Tama! Ang mga ito ay ilan sa mga kabuhayan o trabaho ng ating mga
mamayan sa CALABARZON. Ngunit ang mga ito ba ay nagpapakita ng
pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan? Ano nga ba ang kalikasan?
Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin. Ang tao at
kalikasan ay magkaugnay. Ang kalikasan ang nagkakaloob sa tao ng kanyang
pangangailangan para mabuhay. Ang tao naman ang nangangalaga sa
kalikasan upang mapanatili ito. At upang maisakatuparan ang pangangalaga sa
kalikasan ang ating pamahalaan maging ang buong mundo ay may mga
ipinapatupad na batas. Kung kaya't bilang mamamayan kailangan nating
suportahan al sundin ang mga batas na ginawa para sa mapangalagaan ang
ating Inang kalikasan.
Ang batas pangkapaligiran ay tumutukoy sa mga batas tungkol sa​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.