Ang pagbibigay ng reaksiyon tungkol sa balita, impormasyon at iba pa ay isang mabuting kasanayan. Ito ang paraan upang maipahayag mo ang sariling saloobin, opinyon, at pananaw hinggil sa mga kaisipang inilahad. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga ekspresyong magagamit: *Nauunawaan ko at sumasang-ayon ako *Paumanhin ngunit hindi ako sumasang-ayon *Kung ako ang tatanungin *Kung hindi ako nagkakamali *Sa aking palagay/ sa aking pananaw *Maaaring tama ngunit para sa akin *Tama at mabuti iyan Ang pagbibigay ng reaksiyon ay maaaring pagsang-ayon, o pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o kausap. Ito ang ilang bagay na dapat tandaan sa pagpapahayag ng reaksiyon: 1. Unawaing mabuti ang pahayag o sinasabi. 2. Magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa pinag-uusapan. 3. Gawing simple ngunit malinaw ang iyong pahayag. 4. Gumamit ng magagalang na pananalita.
hi were is the answer?
thanks for answer
Answers & Comments
Answer:
WHERE IS YOUR QUESTION?