Sa Aking Mga Kabata

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

F. Panuto: Suriin ang tula ayon sa kumbensyon ng pagkakasulat nito.
31. Ilang saknong ang bumubuo sa tula?
32. Ilan ang bilang ng tuludtod sa bawat saknong?
33. May sukat ba ang tula? Kung mayroon, ilan?
34. – 37. May tugma ba ang tula? Kung meron anong uri ng tugmaan ang unang saknong, ikalawang saknong at ikatlong saknong?
38. May simbolismo bang ginamit? Kung meron isulat.
39-40. Isulat ang mga talinghagang ginamit sa awit

please pa help​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.