SA AKING MGA KABATA Ni: Dr. Jose P. Rizal Kapagka ang baya'y sadyang umiibig Sa kanyang salitang kaloob ng langit Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala. Ang Wikang Tagalog tulad din sa Latin Ingles, Kastila at Salitang anghel Sapagkat ang Poong Maalam tumingin Ang siyang naggawad,nagbigay sa atin. Ang salita nati'y tulad din sa iba Na may alpabeto at sariling letra Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una
Answers & Comments
Answer:
what grade plzz tell me ok