Gawain 2: Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa iyong obligasyon/responsibilidad bilang isang mag- aaral. Isulat ito ayon sa pamantayan sa pagsulat ng sanaysay,
PAKSA: Bakit mahalagang matutunan ang responsableng paggamit ng social media?
Para po sa akin, napakahalagang matutunan natin ang responsableng paggamit ng social media sapagkat ang responsableng paggamit ng social media ay nakatutulong upang maiwasan natin ang pakikipag-away o pakikipagtalo sa ibang tao at sa halip ay nagkakaroon pa tayo ng maraming kaibigan. Kung ano ang siyang ugali natin sa social media ay sumasalamin rin ito sa ating tunay na pagkatao at ugali, kaya naman dapat ay mag-ingat at magdahan-dahan tayo sa mga kilos na ipapakita natin sa social media. Kapag tayo ay gumagamit ng social media ay kailangan nating isipin ang ating mga gagawin, dahil ika nga nila “think before you click” at tsaka “treat others as you want to be treated”. Para sa akin ay isang malaking hakbang ang pagkatuto ng responsableng paggamit ng social media sa ating moral na pagkatao sapagkat ang social media ay isang lugar kung saan maaari tayong makipag-usap, makipag-ugnayan, at magkaroon ng maraming kaibigan. Kung matututo tayong maging responsable sa tamang paggamit ng social media ay mahahasa o mapabubuti nito ang ating kasanayan at kakayahan na makipag-usap, makipag-ugnayan, at makipag-kaibigan sa maraming tao. At higit sa lahat, kung tayo ay magiging responsable sa paggamit ng social media ay ituturing tayo ng nakararami bilang isang mabuting kabataan at isang mabuting impluwensiya sa nakararami at pamamarisan nila tayo.
Answers & Comments
SOCIAL MEDIA