Questions


December 2022 1 3 Report


* Required
PANUTO: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot.
1. Magkakaroon kayo ng isang patimpalak sa susunod na linggo. Kailangan mong paghandaan ang ilang materyales at kasuotan na gagamitin para dito. Paano mo ito sasabihin sa iyong ina?
*
1 point
Mama, magkakaroon po kami ng patimpalak sa susunod na linggo. Nais ko po sanang makilahok. Maaari niyo po ba akong tulungan?
May patimpalak kami sa susunod na linggo. Malapit na iyon kaya bilihan mo na ako!
Mama, kailangan ko ng mga bagong damit para manalo ako. Bilihan mo nga ako!
Mama, sasali ako sa patimpalak. Tulungan mo nga ako.
2. Hindi mo gaanong naunawaan ang aralin sa asignaturang Matematika. Alam mong mahusay ang iyong kapatid dito. Paano mo ito sasabihin sa kanya?
*
1 point
Ano ba yan, ang hirap naman nito! Tulungan mo nga ako!
Ate, maaari ba akong magpatulong sa iyo mamaya? Medyo mahirap kasi ang aralin namin kanina sa Matematika.
Gawin mo nga itong takdang-aralin ko.
Kokopya na lang ako sa aking kaklase.
3. Ibinili ka ng iyong Nanay ng bagong damit ngunit hindi mo gusto ang kulay nito. Ano ang iyong sasabihin?
*
1 point
Ayoko nito!
Inay, sana nagtanong ka muna sa akin bago ka bumili.
Maraming salamat po Inay! Ngunit sa tingin ko, mas bagay po ito sa aking kapatid.
Hindi ko po ito isusuot dahil hindi ko nagustuhan ang kulay.
4. Napansin mong kinakabahan ang iyong bagong kaklase habang nagpapakilala sa inyong mga kamag-aral. Ano ang iyong sasabihin?
*
1 point
Huwag kang kabahan, kaya mo iyan!
Mamaya ka na magsalita!
Umuwi ka na lang!
Hindi na lang siya papansinin.
5. Nakita mong mababa ang marka ng iyong kapatid. Paano mo siya kakausapin?
*
1 point
Ang baba naman ng grado mo!
Nag-aaral ka ba ng mabuti? Bakit ganyan ang grado mo ha?
Isusumbong kita kina Nanay at Tatay! Hindi ka nag-aaral ng mabuti!
Napansin kong mababa ang iyong marka. Sabihin mo lang sa akin kung paano kita matutulungan.
6. Isa ka sa mga miyembro ng mga kabataang tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo. Paano mo ipapahayag ang iyong mungkahi o suhestyon?
*
1 point
Iminumungkahi ko po na magkaroon tayo ng isang proyekto para sa mga nasalanta ng bagyo tulad ng pagpapadala ng mga damit at pagkain.
Pilitin natin magbigay ng tulong ang mga kapitbahay natin para marami tayong maipadala.
Hayaan na natin ang mga matatanda na tumulong dahil hindi pa natin iyon kaya.
Bawat isa sa atin ay dapat magbigay ng tulong para sa mga tao.
7. Ang pagsasabi o pagpapahayag ng mungkahi ay maaaring gamitan ng mga sumusunod na parirala maliban lamang sa isa:
*
1 point
Kung ako ang tatanungin…
Makabubuti siguro na…
Iminumungkahi ko na…
Wala tayong magagawa…
8. Ito ay lipon o grupo ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa.
*
1 point
Pangungusap
Salita
Pantig
Kataga
9. Ito ay uri ng pangungusap na ginagamit sa pagtatanong. Nagtatapos ito sa bantas na tandang pananong.
*
1 point
Pasalaysay
Padamdam
Patanong
Pakiusap
10. Ito ay uri ng pangungusap na ginagamit sa pagkukuwento o pagsasaad ng isang pangyayari.
*
1 point
Pautos
Pasalaysay
Patanong
Padamdam
11. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagsasaad ng matinding damdamin?
*
1 point
Saklolo! May sunog!
Magkano po ang kalahating kilo ng manok?
Punasan mo ang lamesa pagkatapos mong magligpit.
Siya ang pinakamahusay umawit sa buong klase.
12. Hindi mo maabot ang kahon sa ibabaw ng iyong aparador. Nais mo itong ipakuha sa iyong kapatid na mas matangkad sa iyo. Paano mo ito sasabihin sa kanya?
*
1 point
Abutin mo naman yung kahon matangkad ka naman eh.
Ate, pakiabot po ng kahon sa ibabaw ng aparador.
Ang taas naman! Kunin mo nga iyon!
Kunin mo nga yung kahon doon!

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.