Questions


October 2022 1 1 Report
1.Ang pananahi gamit ang makinang de padyak ay isa sa mga hanapbuhay ng ibang Pilipino noon hanggang ngayon.Sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng mga makabagong teknolohiya, may ilan parin sa ngayon ay gumagamit nito.Bakit mas mainam gamitin ang makinang de padyak sa gawaing pananahi? *

A. dahil ang makinang de padyak ay kaaya-ayang gamitin .
B. dahil ito ay ginagamit ng mga tao mula noon at hanggang ngayon.
C. dahil ang paggamit ng makinang de padyak ay nagdudulot ng kaginhawaan
D. dahil napapabilis nito ang gawain sa pananahi at mas matibay ang tahi sa makina kaysa sa kamay.

2. Bakit mahalagang matutuhan at malaman ng mga mag-aaral ang mga bahagi at gamit ng makinang de padyak? *

A. upang lubos na maunawaan, magamit ng maaayos at wasto ang paggamit ng mga bahagi nito.
B. upang maging maganda ang kalalabasan ng tahi nito.
C. upang higit na mapabilis ang pananahi.
D. upang marami ang matatahi.

3. Ano ang dalawang bahagi ng makina na pinagkakabitan ng kulindang o belt na tumutulong upang paandarin ang makina ? *

A. spool pin at bobbin winder
B. balance wheel at band wheel
C. presser foot at tension regulator
D. presser bar lifter at thread guide

4. Lubhang mahigpit ang tahi ng makina ni Andrea, kaya kailangang niya itong luwagan ng kaunti. Anong bahagi ng makina ang dapat niyang ayusin upang maayos ang tahi nito ? *

A. bobbin
B. stitch regulator
C. tension regulator
D. stop motion Screw

5. Habang nananahi si Clara ay biglang naputol ang karayom ng kanyang makina. Kailangan niya itong palitan upang matapos ang kanyang gawain. Ano ang kanyang gagawin? *

A. Ihinto ang pananahi at hindi na ito itutuloy.
B. Manahi parin siya kahit nabali ang karayom ng makina.
C. Ipagpaliban muna niya ang pananahi at ipagpatuloy ito kapag nais na niyang manahi.
D. Ikabit ang bagong karayom sa needle clamp at ipagpatuloy ang pagtatahi

6. Sa larangan ng pananahi gamit ang makinang de padyak, kailangang pumili nang mga angkop na telang gagamitin upang matiyak na mapapakinabangan ang isang gamit o kasuotan ng matagal. Ano-ano ang mga dapat mong tandaan sa pagpili ng telang gagamitin sa pagnanahi? *

A. Piliin ang telang mura ang halaga.
B. Piliin ang telang mahirap tabasin at tahiin.
C. Piliin ang maninipis na tela upang hindi mahirapan sa pagtabas nito
D.Piliin ang tela na madaling labhan, matibay ang habi at hindi kumukupas

7. Bilang baguhan sa pananahi gamit ang makinang de padyak, bakit mahalagang sundin nang wasto ang mga hakbang sa pagbuo ng isang proyekto ? *

A. Upang maging maayos, wasto at matibay ang nabuong proyekto.
B. Upang mabagal ang gawain sa pagbuo ng proyekto.
C. Upang maging kawili-wili ang nabuong proyekto.
D. Upang maging malinis ang nabuong proyekto.

8. Nais manahi ng apron ni Rodela kaya bumili siya ng tela na may disenyo. Tinabas at tinahi niya ito na nakaharap ang makinis at malinaw na bahagi nito. Ano ang tawag sa bahagi ng tela na may makinis at malinaw na disenyo? *

A. kabaligtaran
B. kagandahan
C. kaayusan
D. Karayagan

9. Sa paghahanda ng masustansyang pagkain para sa pamilya may mga salik na dapat sundin. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa bilang, edad at kasarian ng bawat kasapi ng mag-anak? *

A. paniniwala/relihiyon
B. laki ng mag-anak
C. badyet ng pamilya
D. lagay ng panahon

10.Ito ay ginagamit sa pagpaplano ng menu upang makabuo ng isang resipi para sa tiyak na age group . Mahalaga din ito sa paghahanda ng pagkain para sa pamilya dahil pinag-iisipang mabuti ang mga ihahaing pagkain para sa buong mag-anak. *

A. menu
B. menu pattern
C. badyet ng pamilya
D. sustansyang nakukuha sa pagkain

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.