Tulong nga dito
↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓↓
Ang kabayanihan ay hindi lamang naipapakita sa panahon ng digmaan o trahedya.
Anong munting kabayanihan ang magagawa mo sa iyong pamilya, ibang tao, sa mundo at sa iyong sarili
↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑↑
Sumulat ng maikling talata/refleksyon(10-15 PANGUNGUSAP) ng pagbabahagi ng iyong kaisipan o ideya hinggil sa tanong.
Answers & Comments
Answer:
Hindi natin kailangang ibuwis ang ating buhay upang matawag na isang bayani. Ang paggawa natin ng kabutihan sa araw-araw ay matatawag na nating kabayanihan. Marami tayong magagawa upang maging isang bayani, ilan sa mga ito ay ang pagtulong sa ating kapuwa. Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay mahalaga kahit sa maliit lamang na pamamaraan. Maaari nating tulungan ang mga magulang natin sa gawaing bahay. Maaari rin tayong tumulong sa mga matatanda na hindi na kayang magisang tumawid sa kalsada. Maituturing na rin na kabayanihan ang pagtulong natin sa mga nasalanta ng bagyo kahit sa maliit lamang na halaga.
Maaari rin nating maipakita ang ating kabayanihan sa pamamagitan ng paggalang sa mga nakatatanda. Hindi sukatan ang talino, kayamanan o salapi upang igalang natin ang isang tao. Ang paggalang ay isang paraan ng pagpapakita natin ng pagmamahal, at isa sa mga katangian ng isang bayani ay ang pagiging mapagmahal.
Lahat tayo ay maaaring maging bayani kung gugustuhin natin. Hindi mahalaga kung gaano kalaki o kaliit ang ating nagawa, ang mahalaga tayo ay may ginawa.