Questions


October 2022 1 10 Report
READ THE STORY AND ANSWER THE QUESTION ^_^
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan
Noong unang panahon, may isang matandang
mangingisda na may pitong anak na dalaga. Naninirahan

sila sa tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-
Bisaya. Sila ay nasa bayan ng Dumangas na nasa gawing

hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo. Masayang

gumagawa ng gawaing-bahay ang mga dalaga araw-
araw. Makikita sila sa dalampasigan na nagtatampisaw

,lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan.
Maraming mga binata ang bumibisita sa kanilang
tahanan para manligaw. Tila ang pitong dalaga ay mga
nimpa dahil sa angking kagandahan ng mga ito. Sa

pagmamahal ng ama ay natatakot siyang may makapag-
asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga na maaring

makapaglayo sa kanya.
Isang araw, sumadya ang isang grupo ng mga
estrangherong binata upang makipagkilala at masuyo ang pitong dalaga na sumama sa kanila.
Hinikayat ng panganay na anak na si Delay ang kaniyang mga kapatid na sumama ito sa mga
estranghero. Habang wala ang ama, sumama silang lahat sa mga binata lulan sa kanilang mga
bangka.
Nang sila ay nasa bahagi ng baybayin ng Guimara kung saan nangingisda ang kanilang
ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang kanyang pitong anak
na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol ang mga bangka ngunit walang
nagawa ang kaniyang mabagal na bangka. Walang magawa ang matanda kundi lumuha. Hindi
napigilang humagulgol ang matanda sap ag-iisip na hindi na niya makikita ang kanyang anak.
Nagdilim ang langit at lumakas ang ulan at ang mga alon. Wala siyang magawa kundi umuwi.
Paguwi ng matanda ay tahimik at malungkot ang bahay. Inaalala niya ang malakas na bagyo
habang ang kaniyang mga anak ay nasa laot.
Kinaumagahan, pumalaot na ang ama. Umaasa siyang mahahabol pa niya ang bangka
ng mga estranghero na marahil ay tumigil sa pinakamaliit na isla habang malakas ang ulan.
Ang matanda ay kinabahan nang makita niya na nakalutang sa paligid ang bahagi ng bangkang
sinakyan ng kanyang pitong anak. Mayroon ding mga munting isla
Binilang niya ang mga ito. Pito ang mga munting isla, pito rin ang kanyang mga anak
na dalaga. Nalaman niyang nalunod ang kanyang mga anak sa bangka na hinampas ng dagat.
Di kalaunan ay tinawag at pinangalanan itong Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong
Makasalanan. Maaalala sa mga islang ito ang mga suwail na mga anak.
Gawain 1
Gabay na Tanong: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang katangian ng mga dalagang labis na hinahangaan ng bawat makakita sa kanila?
2. Makatwiran ba ang hindi pagpayag ng ama sa kagustuhan ng kanyang mga anak? Bakit?
3. Ano ba ang ginawa ng mga dalaga na nagdulot ng labis na kalungkutan sa kanilang ama?
4. Ano ang nangyari sa kanila dahil sa pagiging suwail nilang anak?
5. Kung ikaw ang ama, ano ang maaari mo sanang ginawa para ang hindi ninyo
pagkakaunawaan ay hindi na sana humantong sa pagtakas ng iyong mga anak?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.