Edukasyon sa Panahon ng COVID-19 Bagaman malaki ang epekto ng COVID-19 sa edukasyon kailangang magpatuloy pa rin ang pag-aaral at pagkatuto Kasabay nito, ang pagtiyak sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral kaya ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase at pansamantalang wala munang face-to-face classes. Bilang alternatibong pamamaraan ng pag-aaral ngayong panahon ng pandemya, ipinatupad ang distance learning ng Kagawaran ng Edukasyon. Dito kahit nasa kani-kanilang tahanan ang mga mag-aaral ay maaari silang mag-aral at matuto Maaaring mamili kung ano ang nais na pamamaraan para magpatuloy sa pag-aaral, gaya sa pamamagitan ng online, paggamit ng modyul, TV/Radio-based na pag-aaral, o kaya naman kombinasyon ng mga ito. Mahalaga ang edukasyon para sa pag-unlad ng bayan, Kaya naman, kahit nahaharap tayo sa podemya kailangang magtulungan ang bawat isa upang matiyak na ligtas ang lahat habang nagpapatuloy ang pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral. Mga Tanong: 1. Ano ang paksa ng iyong binasa? 2. Bakit kailangang ipagpaliban ang klase at pansamantalang itigil ang face-to face classes? 3. Ano ang ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon upang magpatuloy ang edukasyon ngayong panahon ng pandemya? 4. Ano-ano ang maaaring pagpilian ng mag-aaral na pamamaraan sa kanilang pag-aaral ngayong pandemnya? 5. Bakit ipagpatuloy ang edukasyon ngayong panahon ng pandemya?
Answers & Comments
2. Upang maging ligtas kaming mga mag-aaral.
3. Ipinatupad ang distanced learning ng Kagawaran ng edukasyon.
4. Ang mga maaring pagpilian ay: Online, Paggamit ng Module, TV/Radio-based na pag-aaral.
5. Upang tayo ay matuto at makakuha ng magandang trabaho.
Sana tama :)