Questions


January 2022 2 15 Report
Quiz Questions
Panuto: Sagutin ng TAMA ang bawat bilang kung ito ay
nagpapakita ng mabuting pakikisama sa kapwa, pagtulong sa bayanihan
at magiliw na pagtanggap sa panauhin at MALI kung hindi.

1. Inalok ni Dina ng inumin at tinapay ang mga volunteers na naglilibot sa barangay upang matiyak na ang mga bata ay nasa loob ng bahay. *

TAMA
MALI

2. Pinatuloy ng pamilya ni Mang Tino ang mga kapitbahay na nasiraan ng bahay dahil sa dumaang bagyo. *

TAMA
MALI

3. Bumili si Pedro ng higit sa kinakailangang pagkain at alcohol matapos malaman na isasailalim muli sa lockdown ang kanilang barangay. *

TAMA
MALI

4. Nagpapatugtog nang malakas na musika si Mica kahit alam niyang may mga kapitbahay na naka-online class at may naghahanap-buhay sa loob ng kani-kanilang tahanan. *

TAMA
MALI

5. Nagbigay ng pagkain at pinagliitang damit ang pamilya ni Aling Lina sa mga nasunugan sa kalapit na barangay. *

TAMA
MALI

Piliin ang tamang salita upang mabuo ang pangungusap. (KABUTIHAN, PALIGSAHAN, MULTIMEDIA, MAKILAHOK, MAPAGKUMBABA, TALENTO) Halimbawa: 1. MULTIMEDIA 2. MAKILAHOK Tandaan: Gumamit ng malaking titik at huwag kalimutan ilagay.

1-2. Ipakita ang iyong ____ at sikaping mapaunlad hindi lamang sa sariling kapakanan ngunit para sa ____ ng lahat. *

3. Maging ____sa pagtanggap ng papuri ng ibang tao at responsible sa paggamit ng iyong mga talento. *

4. Ugaliing ____ sa mga paligsahan upang lalo pang mahasa ang iyong talento. *

5.Paggamit ng ___ o teknolohiya sa pagpapaunlad ng iyong talento at pagiging malikhain. *

Piliin ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang gawi at Mali naman kung hindi.

1. Pagtawanan ang kalaban sa paligsahan kung siya ay nagkamali. *

Tama
Mali

2. Hindi na dapat pang linangin ang ating mga talento. *

Tama
Mali

3. Lumahok nang buong tapat sa mga paligsahan. *

Tama
Mali

4. Gawin ang lahat upang manalo sa patimpalak kahit sa maling paraan. *

Tama
Mali

5. Tanggapin ang pagkatalo nang maluwag sa kalooban. *

Tama
Mali

6. Magpasalamat sa talento sa pagguhit. *

Tama
Mali

7. Gumamit ng video effects upang higit na mapaganda ang iyong likhang sining. *

Tama
Mali

8. Magpraktis upang mapaunlad ang talento sa pag-awit. *

Tama
Mali

9. Sumunod sa alituntunin ng mga paligsahan o patimpalak. *

Tama
Mali

10. May parangal man o wala, gamitin ang talento sa tama. *

Tama
Mali​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.