Questions


October 2022 1 7 Report
PUTING KALAPATI, MAGLIBOT KA SA MUNDO(tula)

Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan Sa mga pangyayaring walang katiyakan, Kung saan ang tao'y naghihinala't tuwina'y may agam-agam Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan Sa kanyang puting pakpak na hanap ay kapayapaan Habang sagisag ng pagkakasundo'y patuloy na pumapailanlang. Puting kalapati, libutin itong sandaigdigan Ang hanging panggabi'y iyong panariwain Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin Itong aming mga labi'y iyong pangitiin. Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawala Sa iyong hninga, hanging sariwa nagmula Itong sandaigdigan, paniwalain mo sa kapayapaan Habang puso'y pumipintig sa gabi ng katahimikan. Ngunit ikaw na palamara Tulad ng alabok, humayo ka't mawala Pagkat mundo mo't bantayog ay gumuho na Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda
Bilang repleksyon nitong buhay na mapayapa.


Natutukoy ang mga kaisipang nakapaloob sa tula Lagyan ng tsek (~) ang tatsulok kung ang kaisipang nakatala ay makikita sa tula. Lagyan ng ekis (X) ang hindi.

1. Ang tao'y naghihinala at may agam-agam.
2. May mga pangyayari sa búhay ng tao na maseselan.
3. Isang itim na kalapati ang lumilibot sa mundo.
4. Ang mga kalapati ay makapangyarihang nilalang.
5. Ang taksil o palamara ay ninanasang sana'y mawala sa mundo.
6. Ang mga estatwa sa mundo ay gumuho.
7. Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang tao.
8. Ang daigdig ay maaaring maging mapayapa.
9. Ang mga bulaklak ay mabilis mamukadkad,
10. Ang hanging sariwa ay dapat langhapin.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.