Purok 3, Barangay Gulod, Cabuyao City, 1. Panimula - ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang paksa na nais talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipinaliwanag, isinasalaysay, Inilalarawan o inilalahad, Halimbawa ng panimulang talata na nagpapaliwanag: Ang kalusugan ay tumutukoy sa mabuting kalagayan ng ating pangangatawan na may malusog at wastong timbang, walang sakit o karamdaman, may masayang disposisyon sa buhay Malimbawa ng talatang naglalahad: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercadoy Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna, Halimbawa ng talatang naglalarawan Bata pa si Analiza ay may angking ganda at makinis ang balat May biloy sa pisngi at mapupungay na mga mata. May maitim at makapal na buhok na lalong nagpatingkad ng kanyang kagandahan. Siya ay matangkad at kayumanggi ang kulay ng balat kahit sino ang makakita sa kanya ay napapalingon at nabibighani. Imahe siya ng isang dalagang Pilipina Halimbawa ng talatang nagsasalaysay Nagsitigil sa pag-uusap ang mga nagtitinda Sabay-sabay silang nanahimik, ngunit nangungusap ang kani-kanilang mga mata. Hinay- hinay na sinara ang kanikanilang mga tindahan. Nanginig sa takot nang makita ang paparating na mga tanod. Bumilis ang mga bikbok ng kanilang puso 2 Gibra to naman ang nasa gitnang bahagi ng isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya upang ganap na matalakay ang nais bigyang linaw ang manunulat May iba't ibang paraan o teknik ang ginamit sa pagpapalawak ng paksa, ilan sa mga ito ang sumusunod: .. Pagbibigay-katuturan o Depinisyon. May mga salitang hindi agad-agad maintindihan kaya't kailangang bigyan ng depinisyon. Itoy mga bagay o kaisipang nangangailangan ng higit na masaklaw na pagpapaliwanag. Ang kaurian, kaartasan, at kaibahan ng mga salitang ito ay binibigyang din sa pagbibigay ng depinisyon • Paghahawig o Pagtutulad. May mga bagay na halos magkapareho o nasa kategoryang iisa. Samakatwid, ang mga bagay na magkakatulad ay pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian c. Pagsusurt Ang pagsusuri ay nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa't isa. Samakatuwid, dahil masaklaw ho, higit na madaling maintindihan ang kalikasan ng isang bagay sa pamamagitan ng pagsusuri. Magandang halimbawa nito ang konsepto ng isang akdang pampanitikan. Dito dapat talakayin ang kaugnay ng mga bahagi ng akdang pampanitikan tulad ng tauhan, banghay, at layunin ng pagkasulat nito. 3 Wotas-to naman ang kadalasang pangwakas ng isang komposisiyon. Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipang nabanggit sa gang talata Minsan ginagamitan ito ng mga panandang nagsasaad ng pagtatapos ng talata upang bigyang-linaw ang kabuoan ng komposisyon Maaaring nagtatapos ito ng pagtatanong, isang kongklusyon, pagbubuod o paglalahat, at paghahamon​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.