Pumili ng isang pelikulang napanood at lapatan ng sariling pagwawakas
ayon sa sariling kalooban at saloobin. Magsilbing gabay ang Rubrik sa
pagmamarka. ( 9-10 )
Guys please Answer my
QUESTION please,, I really
need the answer,, Sana
naman Yung tama,, please...
Answers & Comments
Answer:
SURING PELIKULA SA PELIKULANG ANAK I. Pamagat: ANAK II. Tauhan: Vilma Santos-biang Josie- isang dakilang ina na nagtatrabaho bilang OFW sa Hongkong para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Claudine Barreto-bilang Carla-panganay na anak ni Josie na nagrebelde sa akalang pinabayaan na sila ng kanilang ina. Baron Geisler-bilang Michael-lalaking anak ni Josie Shiela Mae Alvero-bilang Daday-bunsong anak ni Josie Joel Torre-bilang Rudy-asawa ni Josie Amy Austria-bilang Lyn-matalik na kaibigan ni Josie na isa ring OFW sa Hongkong. Cherrie Pie Picache-bilang Mercy- matalik na kaibigan ni Josie na isa ring OFW sa Hongkong. III. Kwento: Ito ay tungkol sa isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Ang Anak ay isang pelikula noong 2000 na handog ng Star Cinema para sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) sa iba't ibang dako ng mundo. Sa natatanging pelikula na ito na sumikat sa takilya at kumita ng mahigit 160 milyon piso ay pinagbibidahan nina Vilma Santos at Claudine Baretto. Noong 2000, ang pelikulang ito ang pinakatanyag na pelikula sa kasaysayan ng pelikula sa industriyang Pilipino dahil sa laki ng binatak nito sa takilya. Ito ay tungkol sa isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper. Ginawa niya ito upang mnagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang dami na ng kanyang binabayaran. Dahil dito, napahiya sa Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya. Lumayas din si Michael. Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok na salapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos nya ang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagpapalalo nya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo sya sa kanilang tabi. V. Paksa/Tema: Buong pusong pagmamahal,pag iintindi, pagtitiwala at pagrespeto ang mga napakahalagang susi tungo sa matatag at masayang pamilya. Ito’y nangangahulugan na ang mga susi na ito ay napakahalaga upang maiwasan ang pagkawatak-watak ng isang pamilya at kapag meron nito ang isang pamilya, paniguradong hindi ito mabubuwag kahit anong problema man ang dumaan gaya ng isang diamante na kahit anong pokpuk mo ay hindi ito masisira. VI. Cine