Panuto: Tukuyin ang pang-abay na ginamit sa pangungusap
1. Maagang nagtinda ng puto bumbong ang mag-anak. *
A. maagang
B. mag-anak
C. nagtinda
D. puto bumbong
2. Maraming tao ang pumupunta sa simbahan. *
A. maraming
B. pumupunta
C. sa simbahan
D. tao
3. Masarap na pagkain ang inihanda ni inay kahapon. *
A. inihanda
B. kahapon
C. masarap
D. pagkain
4. Namili sila ng damit sa Divisoria. *
A. sa Divisoria
B. damit
C. namili
5. Masayang nag-aawitan ang mga kabataan. *
A. kabataan
B. nag-aawitan
C. Masayang
Piliin ang angkop na pang-abay upang mabuo ang pangungusap.
6. ___________ ang pagkakahugas ni Dan sa mga kalamansi na gagawin niyang
juice
A. maingat
B. madiin
C. malinis
7.__________ na hinihiwa ni Dan ang mga kalamansi. *
A. maingat
B.tamang-tama
C. madiin
8. Ayaw ni Dan na may masayang na katas ng kalamansi kaya_______piniga niya ang mga ito. *
A. madiin
B. agad
C. tamang-tama
9. ________niyang nilagyan ng 1 1/4 nakutsarang asukal ang isang litrong tubig. *
A. Dahan-dahan
B. mabilis
C. malinis
10. Upang hindi niya makaligtaan, _______ niyang nilagyan ng 4 na kutsara ng honey/pulot. *
A. dahan-dahan
B. agad
C.madiin
11.Naku! may paparating na kababayan na galing sa ibang bansa, huwag tayong lalapit sa kanya. *
A. matakutin
B. masayahin
C. nasasabik
12. Nagtutulungan ang mga kabataan sa Pamayanan ng St. Joseph sa paglilinis ng mga kalat sa may kalsada at iba pang parte ng lugar upang mapanatili ang kalinisan ng kanilang pamayanan. *
A. pagyayabangan
B. pagkakaisa
C. paghihinayang
13. Pinagtatawanan ng mga kaklase niya si Aira sa suot na luma at punit punit na damit niya ngunit hindi lamang siya umimik at tahimik na pumasok sa loob ng silid aralan. *
A. mapagpasensya
B. mayabang
C. maarte
14. Kahit mahirap ang pamilya ni Newey nagpursige pa rin sa pag-aaral upang makamit ang mga pangarap sa buhay at makaahon sa hirap. *
A. tamad
B. masikap
C. mapariwara
15. Napasigaw sa sobrang tuwa si Aling Kristala dahil sa pagkapanalo ng kaniyang anak sa paligsahan sa pag-awit.
A. pagmamalaki
B. paghihinayang
C. pagsisisi

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.