Katotohanan - Tinatawag itong Puasa sa mga Muslim at Saum sa Arabic . Ito ay ginagawa upang tuparin ang kautusan sa Qur'an. Ang puasa ay isang ganap na pag-aayuno sa pagkain, pag-inom, kasama na ang ano mang masasamang gawi laban sa kapwa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Hinihinging mag-ayuno ang mga Muslim sa loob ng 29 hanggang 30 araw ng Ramadam, ang ikasiyam na buwan sa kalendaryong Islam.Kinahapunan ng unang araw ng Ramadan, mga bandang ikaanim ng hapon, sama-sama o grupo-grupong naliligo ang mga Muslim bilang paglilinis at bilang paghahanda sa puasa. Ang araw na ito’y tinatawag na peggang ng mga taga-Maguindanao. Naghahanda ng kanduli o pagkain ang bawat bahay.
Sa pagitan ng ikatlo at ikaapat ng umaga o bago sumikat ang araw, ang bawat Muslim na may kakayahang mag-ayuno ay kumakaing mabuti ng almusal na tinatawag na saul. Ang pag-aayuno ay natitigil paglubog ng araw.
Kabutihan ng Pag-aayono ng mga Muslim-
>Pagkararanas ng labis na kaligayahan sa Kabilang buhay nang dahil sa mga tatamuhing gantimpala at ang kaligayahang kanyang tatamasahin ng dahil sa kanyang pag-aayuno.
> Ang taong nag-aayuno ay pinagpala ni Allah.
> Makakapasok sa Paraiso na tinatawag ng mga Muslim na "Al-Rayyan".
> Gatimpala mula kay Allah.
Magandang Aral -Ang pagkakaroon ng tunay na takot sa Dakilang Allah. Pagsasanay sa pag-iwas at pagtaliko mula sa mga pagkakasala at mga gawaing masama. Pag-aalala at pagtulong sa mga nangangailangan.
Answers & Comments
Verified answer
Pag-aayunong Islam