Questions


October 2022 1 1 Report
Prusisyon sa Wawa Tuwing sasapit ang unang linggo ng Hulyo, ipinagdiriwang sa Wawa, Bocaue, Bulacan ang natatanging prusisyon sa tubig. Maaga pa lamang ay puno na ng mga deboto ng banal na Krus ang simbahan. Pagkatapos ng misa, sisimulan na ang prusisyon. Nagdaaan muna ang prusisyon sa mga pangunahing lansangan ng Wawa. Pagkatapos, itutuloy na ang Banal na Krus sa nakahandang pagoda sa Wawa. Maganda ang pagoda Tulad ito ng kwitis na bumubuo ng sari-saring ilaw at kulay. Lulan ang pagoda sa isang malaking bangka na nahihiyasan ng sari-saring palamuti na may iba't ibang kulay. Sabay rin dito ang mga piling panauhin ng pagdiriwang Bukod sa bangkang kinalulunan ng pagoda, marami pa ring nakahandang bangka. Sakay nito ang mga binata at dalaga, ang mga mag-anak, at iba pang deboto ng Banal na Krus. Kayganda ng prusisyon sa tubig. Nauuna ang pagoda ng Banal na Krus. Kagapay nito ang makukulay na mga bangka ng mga dalaga at binata. Kasunod ang mga bata, matanda, at mga deboto. Umuusal ng dalangin ang mga tao. Pagkatapos ng prusisyon, isang magarang pistahan ang naghihintay sa lahat ng dumalo. Masasarap at masagana ang handang pagkain sa bawat tahanan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.