Output/Product Pagbasa ng tula at pagsagot sa mga tanong. GAMOT SA BOTIKA May dalawang uri ng gamot Na nabibili sa botika Una ay gamot na may reseta, Pangalawa nama'y kahit wala na. Gamot na may reseta, doktor ang may dikta. Gamot sa mga sakit na malubha't malala na. Hindi puwedeng gamitin kung pahintulot ng doktor ay di Kamtin. Pagkat lalo lang magdudulot sakit' karamdaman natin. Gamot na walang reseta ay marami sa botika, Kahit sino sa atin ay maaaring bumili at makakuha. Basahing mabuti direksiyon sa etiketa. Upang di magkamall, maiwasan ang pinsala. Panuto: Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang dalawang uri ng gamot ayon sa ating tula? 2. Saan natin mabibili ang mga got na ito? 3.Ano-ano ang pagkakaiba sa dalawang uri ng gamot? 4.Bakit kailangan nating malaman ang tama at wastong paggamit ng gamot? 5.Paano maging ligtas sa pag-iinom ng gamot?
Answers & Comments
Answer:
1. ang dalawang gamot ay may reseta at walang reseta
2.ang mga gamot na ito ay mabibili natin sa botika
3.ang pagkakaiba ng uri ng gamot ay merong pahintulot ng doktor na sumuri sa iyo at ang isa naman ay ang sariling pag gamot sa sarili lamang.
4. upang hindi tayo mapahamak at sa halip ay tayo ay gagaling kung tama ang ating pag inom ng mga gamot at kung ang mga gamot ay siyang tama sa ating karamdaman
5. dapat ay may pahintulot tayo sa doktor , may reseta upang ang gamot ay siyang talagang makakagaling saatin
Explanation:
pa brainlist naman po salamat