l. Panuto: Pagtugmain ang mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino na nakalista sa ibaba at ang mga kilos at asal ng isang Pilipino. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.


Choices

a. Pananalig sa Diyos

b. Pag-eestima sa bisita

c. Paggalang sa mga nakatatanda

d. Utang na Loob

e. Mapamaraan o maabilidad

i. Matiyaga/Positibong

f. Bayanihan (pagtutulungan) pananaw sa buhay


g. Pakikisama (kakayahang makibagay sa iba) h. Malapit na ugnayan ng pamilya j. Paggalang sa kababaihan

1. Nagmamano si Renzo sa kanyang magulang, ninong at ninang at nakatatandang kamag-anak, Nakikinig siya at nagpapahalaga sa payo nila at tumutulong sa abot ng kanyang makakaya.

2. Gusto ni Renzo na makapiling ang kanyang mga pamilya sa lahat ng oras. Hangga't maaari ay sinasamahan niya sila sa simbahan, sa regular na mga salu-salo, at bakasyon.

3. Napakalakas ng paniniwala ni Renzo sa Diyos. Hindi siya nagrereklamo tulad ng inaasahan dahil alam niyang bahala na ang Diyos sa lahat.

4. Laging handang tumulong si Renzo sa kanyang mga kapitbahay at iba pang miyembro ng kanyang komunidad.

5. Natatanaw ni Renzo ang mga bagay hanggang wakas. Lagi siyang umaasa at tumatanaw sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Hindi siya nawawalan ng pag-asa kapag may problema.

6. Kapag nagbibigay ng pabor ang isang tao kay Renzo o tumutulong sa kanya sa oras ng pangangailangan nararamdaman niyang kailangang suklian ang pabor sa taong iyon.

7. Lagi mong makikitang masayahin si Renzo saan man siya pumunta. Nagsisikap siyang mapanatili ang magandang samahan at mapayapang pakikipag-ugnayan sa lahat, kahit nakakakita siya ng mga kamalian sa mga ito.

8. Si Renzo ay mahilig mag-istima ng mga bisita, kaibigan at kahit estranghero.

9. Napakahusay umimbento ni Renzo ng mga bagong bagay. Lumilikha siya ng mga dekorasyong gawa sa lumang diyaryo at lata ng softdrink.

10. Igiinagalang ni Renzo ang kanyang ina pati na ang kanyang mga kapatid, kaibigan at kasamahang babae. Nagbubukas siya ng pinto, nag-aalok ng kanyang upuan at nagbibitbit ng bag para sa mga babae at umaalalay sa kanila kapag sumasakay o bumababa sa sasakyan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.