3. Bakit kailangan nating pahalagahan ang mga likhang sining?
Kailangan nating pahalagahan ang mga likhang sining dahil ang mga ito ay sumasalamin sa damdamin at ideya ng mga tao. Ang mga likhang sining ay maaaring bunga ng kasiyahan, kalungkutan o hango sa iba't ibang karanasan. Bawat likhang sining ay may kwento na dapat nating bigyang halaga. Ang mga ito din ay parte ng kultura nating Pilipino. Sa ganitong paraan ay napapakita kung gaano kagaling ang mga pinoy at dapat nating ipagmalaki ang bawat likha. Kailangan nating bigyang halaga at pagyamanin pa ang mga ito upang maipamalas pa sa mga susunod na henerasyon ang gandang taglay ng bawat likhang sining at ang galing ng mga pinoy.
4.Maraming paraan ang maaari mong gawin upang ipakita ang iyong pagmamahal sa iyong bansa. Maaaring maliit na bagay lamang ngunit kung ito ang iyong pamamaraan ay posible na.
Para sa akin, maipapakita ko ang pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagiging maalam. Sa dinami-dami ng mga isyu na kinaharap, kinakaharap at kakaharapin pa ng bansang Pilipinas, mahalaga na alam natin kung ano ang mga nangyayari. Bilang isang Pilipino, para sa akin ang pagiging mulat at maalam ay mahalaga upang makapagdesisyon tayo ng mas wasto at tama para sa ating sarili at para na rin sa ating bansa.
Lahat naman tayo ay may kontribusyon sa takbo ng ating bansa. Hindi natin ito maaaring isisi sa iilang mga tao lamang.
Bukod sa pagiging maalam, maaari mo ring ipakita ang iyong pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pag-iingat at pagsasalba sa namamatay na Inang Kalikasan - isang suliranin na napakatagal na nating sinusubukang solusyonan. Ngunit, ang solusyon ay hindi biglaan, unti-unti at kinakailangang mag-umpisa muna rin sa ating mga sarili. 2. ?
ano ano ang ipinapakita ng bawat obra ng pagpipinta ng mga tanyag na pintor sa bansa:
Si Fernando Cueto Amorsolo (30 Mayo 1892 - 24 Abril 1972) ay isa sa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas.[1] Si Amorsolo ay pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Ipinanganak sa Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong.
Bagaman nakapaglakbay sa ibang mga bansa, kung saan namulat ang mga mata ni Amorsolo sa mga dayuhang pamamaraan ng pagguhit at pagpinta, naging adhikain niya ang makalikha ng mga larawang makabayan at puno ng kasaysayan.[4] Sa panahon man ng kapayapaan o digmaan,[5] nanatili ang diwang ito sa isipan ni Amorsolo, na nagbunga naman ng mga dibuhong may pagpapahalaga sa paghubog, pag-unlad, at pagtatala ng tunay at natatanging katauhan, ngiti, damdamin at kaluluwa ng mga mamamayang Pilipino.[6][7] Dahil sa mga gawa at gawain ng kaniyang malikhaing mga kamay, sa tulong ng pinsel at pintura, tinagurian si Amorsolo bilang unang pambansang alagad ng sining ng pilipinas.
Answers & Comments

Explanation:
#CarryonLearning my second acct ko to :)