Questions


August 2022 2 6 Report
pls pls pls help need ko po

III. Tukuyin at isulat sa patlang ang mga pangngalan at panghalip na makikita sa maikling kwento.
“Sandaang Pulo”
May magandang kuwento ang matatanda ng Pangasinan na nagpapaliwanag kung
paano nagkaroon ng “Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.
Ayon sa kuwento, may iba’t-ibang tribu sa iba’t-ibang dako ng kapuluan. Ngunit watakwatakang maliliit sa kaharian. Bawat isa’y pinamumunuan ng mga maharlika na tinatawag na
datu, sultan, o raha.
Si Raha Mabisqueg, matalino, maunawain at matapang na pinuno and namumuno sa
isang kaharian. Daan-daang kawal ang kanyang sinanay. Sa pagtanda ng raha, ipinagpatuloy
ng kanyang anak, si Datu Mabisqueg, ang pamumuno sa mga sinanay na kawal. Sa pagdaan
ng panahaon, naging matahimik, masagana at maunlad ang kaharian.
Agaw-dilim noon. Nilusob ng mga kaaway ang kaharian. Pinulong ni Raha Mabisqueg
nd kaniyang konseho. Ipinayo na salubungin ang kaaway. Mula sa maraming kawal na
sinanay ni Raha Mabisqueg, pumili ng sandaan si atu Mabisqueg.
Naganap sa dagat ang labanan. Tumagal ang labanan nang maghapon at magdamag.
Kinabukasan, tumahimik sa pool na pinaglalabanan. Walang natira isa man sa mga sinanay
ni Datu Mabisqueg. Nalipon lahat ang sandaang kawal pati ng mga kaaway.
Lumipas ang araw. Naging malungkot ang buong tribu. Laging nakatanaw sa dagat
ang mga tao. Hanggang isang bukang-liwayway, biglang umiiba ang malawak na dagat.
Humigit-kumulang sa sandaang pulo ang kanilang nakita. Ang ilan ay hugis na tumaob na
bangka; ang iba’y tulad ng katawan ng mga mandirigma.
Mula noon, pinaniniwalaan na ng mga tao na ang mga pulong iyon ay sandaang kawal
na nalipon s labanan. Nagsisilbing alaala sa susuond na salinlahi ang alamt ng “Sandaang
Pulo” sa Look ng Pangasinan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.