Questions


September 2022 1 1 Report
pls answer

11. Naglunsad ang inyong paaralan ng isang programang naglalayong makatulong sa mga kapus palad, sa bilanggo at naulila. Ano ang iyong maitutulong o maibabahagi? *
1 point

A. Magsasawalang-kibo lamang.
B. Tutulong sa mga gawain sa programa.
C. Liliban muna sa pagpasok sa paaralan
D. Lalahok sa programa na walang gawa.

12. Maraming pamilya sa ilang barangay sa isang pook sa Maynila ang binaha dala ng bagyong nagdaan. Ilan sa pamilyang ito ang nawalan ng tahanan, mga kagamitan at namatayan. Pinulong ng prinsipal ang lahat ng mga mag-aaral at hinihikayat na ang lahat ay tumulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.Sumunod na araw, nagbigay ng mga damit, kumot at mga pagkaing delata at noodles si Mark. Ano ang ipinakita ni Mark? *
1 point

A. Isa siyang aktibong mag-aaral..
B. Naging sunud-sunuran si Mark sa kanyang prinsipal.
C. Si Mark ay nagmamalaki sa kanyang sarili sa mga pamilyang binaha.
D. Naipakita ni Mark ang kanyang pagmamalasakit sa mga nangangailangan.

13. Si Gng. Ignacio ay isa sa mga masigasig na naglilingkod sa kapilya. Nakikita niya ang mga kakulangan sa kapilya. Nag-isip siya ng paraan upang makalikom ng pera para sa mga pangangailangan ng kapilya. Namigay siya ng mga sobre sa mga mamamayan ng barangay. Pagkalipas ng dalawang Iinggo, nakalikom siya ng malaking halaga para sa kapilya. Paano ipinapakita ni Gng. Ignacio ang kanyang ipinamalas na ispiritwalidad? *
1 point

A. Lumilikom siya ng pera para sa kanyang sarili.
B. Lumilikom siya ng pera para sa mga nagsisimba.
C. Lumilikom siya ng pera para sa kapilya at Panginoon.
D. Lumilikom siya ng pera para makahihikayat na marami pang magsisimba.

14. Kaarawan ni Josie at ang kanyang mga magulang ay maghahanda ng isang marangyang handaan. Ngunit minabuti ni Josie na sa halip na maghanda ay pupunta na lamang sa simbahan at doon magpasalamat sa panginoon sa karagdagang buhay at biyaya na natanggap. Anong klaseng bata si Josie? *
1 point

A. mabait
B. magalang
C. madasalin
D. mapagkumbaba

15. Sa palaruan ay masayang naglalaro ang mga bata ng habulan. Nakita ni Joshua na itinulak ni Joseph si John Paul. Kung ikaw si Joshua, isusumbong mo ba si John Paul sa inyong guro kahit alam mong anak siya ng punong-guro? Bakit? *
1 point

A. Oo, dahil kaibigan ko si John Paul.
B. Oo, dahil hindi tama ang kanyang ginawa.
C. Hindi, dahil magka-away kami ni John Paul.
D. Hindi, dahil mapagalitan ako ng kanyang magulang.

16. May malalang sakit ang anak ni Aling Marta. Magdamag na silang hindi nakatulog dahil sa iniindang sakit ng kanyang anak. Taimtim siyang nanalangin sa Poong Maykapal na malalampasan ng kanilang pamilya ang malaking pagsubok na kanilang hinaharap. Anong pag-uugali ang ipinapakita ni Aling Marta? *
1 point

A. Mabait na ina
B. May pananalig sa Diyos.
C. May pagmamahal sa kapwa
D. Matulungin sa kanyang anak​​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.