Sa siyensa, ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito'y medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay makapagbibigay sakit kapag inaabuso. May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong na sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klasing droga. Iba't iba sa kanila ay may iba-ibang dahilan kung bakit sila gumagamit nito. Kahit alam man ng iba na ito'y nakakasama sa kalusugan lalo sa katawan ay patuloy pa ring gumagamit. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon dahil marami na ang masamang pangyayari na naganap sa lipunan tulad ng panggagahasa dulot ng paggamit ng ipinagbabawal ng gamot. Marami na ang nahuli sa ganitong mga gawaing masama at patuloy pa rin itong nangyayari hanggang ngayon. Kinakailangan ang masusing pagsusubaybay ng mga magulang sa mga anak para madaling malaman at mapigilan kung sila ba'y gumagamit ng bawal na gamot. Sa pamilya kadalasan nagsisimula ang pagkalulong ng mga kabataan sa bawal na gamot. Lalo na ang mga mahihirap na mga pamilya na madalas ay nag-aaway ang mga magulang dahil sa kakulangan ng pera para panggastos sa pamilya. Kaya ang mga kabataan ay nahuhumaling na pumasok sa iba't ibang bisyo lalo na sa paggamit ng bawal na gamot dahil iniisip nila na mawawala daw ang problema kapag gumamit sila nitong bawal na gamot o droga.
Answers & Comments
Answer: