Maraming entrepreneur ang ‘di nagtatagumpay sa kanilang napiling negosyo dahil na rin sa kakulangan sa preparasyon. Kung akala mo kasi ay ga-noon-ganoon lang ang pagnenegosyo, nagkakamali ka. Kung akala mo rin ay dahil naging matagumpay ka sa isang negosyo, magtatagumpay ka na sa-susunod mong negosyo, maling-mali po ito.
Ang mga matagumpay na negosyante ay alam na kailangan ng masusing pag-aaral at paghahanda sa anumang gawain. Kung palpak kang magplano, palpak ang resulta nito.
#2 Mahaba ang pasensiya
Kung sa tingin mo ay dapat laging nagmamadali ang isang mahusay na entrepreneur, nagkakamali ka. Ang konteksto ng pagmamadali ay ang paglabas ng isang produkto o serbisyo nang mas mabilis kaysa sa kalaban. O kaya ay ang paghahanda para sa tamang timing, na siya ring may kinal-aman sa pagiging mahaba ang pasensiya.
Tandaan mo na ang bawat bagay ay pinag-iisipan nang maigi. Lalo na kung may kinalaman sa pagtuturo sa mga tauhan, sa pagkuha ng ka-partner, sa pagiging masinsin sa kalidad at iba pa.
#3 Matindi ang pokus
Ang karamihan ng mga negosyong ‘di nagtagumpay ay may kinalaman sa sabog-sabog na implementasyon ng mga napagplanuhan at gawain. May kinalaman din ito sa kawalan ng pokus ng lider at ng mga tauhan kung saan paiba-iba ang ginagawa.
Ako ay may tinatawag na ADHD kung saan hirap akong magpokus sa iisang gawain. Mabilis kasi akong magambala (ma-distract). Kinailangan kong madisiplina at masanay ang aking sarili sa pagpokus para magtagumpay ako sa aking negosyo. Kapag binabalikan ko ang mga negosyo kong ‘di nagtagumpay, nakikita ko ang aking sarili na ‘di nakapagpokus sa iisang produkto, serbisyo o hangarin.
#4 May motibasyon at puwersa sa sarili
Kung ikaw mismo na bilang lider sa isang negosyo ay nawawalan ng bilib sa iyong gawain at sa sarili, sigurado na ang pagbagsak mo. Ganyan kahalaga ang pagkakaroon ng motibasyon at sariling puwersa para maisakatuparan ang lahat ng dapat gawin upang magtagumpay.
Paano mo maibabangon ang sarili mo sa araw-araw? Tanungin ang sarili mo kung bakit mo ito ginagawa. Hanapin mo ang mga rason kung bakit kailangan mong magtagumpay. ‘Yan mismo ang babangon sa iyong sarili at magiging motibasyon mong lumagay sa tamang pag-iisip.
#5 May lubos na integridad
Madalas lumabas ang salitang “integridad” sa aking mga pitak. Bakit nga hindi? Ang kahit na sinong entrepreneur na matindi ang integridad ay si-yang umuungos at nagtatagumpay. Sa dulo, ang taong pinagkakatiwalaan ay nabibiyayaan.
Maging bukas ang pananaw mo sa pagiging matapat sa lahat ng bagay. Maging ito ay sa iyong tauhan, kostumer, ka-partner, at lalo na sa iyong sarili.
Answers & Comments
Answer:
ang katangian ng entrepreneur ay nanapak at nang babaltok
Explanation:
paki brainliest naman neto oh
Answer:
Matinding magplano at maghanda