Pliin ang angkop na sagot na hinihingi ng bawat tanong sa mga nakasulat na salita sa kahon. Isulat ang sagot sa linya ng bawat bilang

A. Pagkamalikhain
D. Pope John Paul II
B. Kasipagan
E. Paggawa
C. Pagpupunyagi
F. Tiyaga

1. Isang gawain na nangangailangan ng sapat na kasanayan upang ito ay maisagawa. Kailangang may angking kahusayan ang gagawa nito.
2. Ayon sa kanya ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan nito ang kanyang responsibilidad sa sarili, kapuwa at sa Diyos.
3. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang walang pagmamadali at buong pagpapaubaya.
4. Pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kanyang paligid.
5. Ang produkto o gawaing lilikhain ay hindi bunga nang panggagaya ito ay likha ng mayamang pag-iisip. Orihinal at bago ang produkto, bunga ito ng ideyang maging iba at kakaiba.

Panuto: Isulat ang Tama kung totoo ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung hindi ito totoo.

6. Ang pagiging masigasig ay ang nangangahulugan ng kawalang kasiyahan at interes sa ginagawang gawain o produkto.
7. Ang taong may disiplina ay nalalaman ang hangganan ng kanyang ginagawa at mayroon siyang paggalang sa ibang tao. 8. Kahit mahal mo ang iyong trabaho o anomang ginagawa, mawawalan ka pa rin ng gana dito at mababalewala ang iyong trabaho.
9. Mahalaga ang wastong pamamahala sa paggamit ng oras upang makamit at maisabuhay ang kagalingan sa paggawa.
10. Sadyang napakadaling magtagumpay sa buhay kahit na wala kang mga kakayahan at nalinang na kasanayan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.