Ang pamilyang walang problema ay itinuturing na biyaya ng Diyos. Mali ang pahayag dahil ang tama ay "Ang pamilyang sama-sama sa gitna ng problema ay itinuturing na biyaya ng Diyos." Lahat ng pamilya ay nakakaranas ng problema ngunit kung sama-sama, tiyak na ito ay biyaya.
Ang paggalang sa opinyon ng iba ay pagpapakita ng pasasalamat. Ang pahayag ay tama dahil nagpapakita ito ng pasasalamat at paggalang sa isipin ng iba.
Ang pangatlong pahayag ay tama dahil nagmumula sa Diyos ang lahat ng buhay at bagay kaya nararapat na ito ay galangin at pangalagaan.
Ang taong madasalin ay hindi lamang tumutukoy sa pakikipag-usap sa Diyos. Ang taong madasalin ay may relasyon sa Diyos kung saan hindi lamang sa gawa ngunit sa puso at buong buhay nanggagaling ang pananampalataya. Hindi maituturing na madasalin ang simpleng pagdasal lalo na kung ginagawa lamang ito dahil may nakakakita. Sa panahon ngayon, marami na ang nagdadasal na hindi mula sa puso dahil iniisip ng karamihan na ito ang basehan upang matawag na maka-Diyos.
Dapat ugaliin ang paggawa ng mabuti sa kapwa dahil may kapalit man o wala mula sa kanila, ang Diyos ang malulugod na magbigay ng biyaya.
Answers & Comments
Verified answer
Tama o Mali
___________
#CarryOnLearning