MAG-INA SA TARLAC, PATAY MATAPOS PAGBABARILIN NG ISANG PULIS
Agad na binawian ng buhay ang mag-inang biktima na sina Sonya Rufino Gregorio, 52-anyos at Frank Anthony Gregorio, 25-anyos matapos paputukan ng baril sa ulo nang ilang beses ng suspek na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa Paniqui, Tarlac alas singko ng hapon, ika-20 ng Disyembre.
Ayon sa mga nakasaksi, isang boga o PVC pipe na gumagawa ng ingay ang naging mitsa ng pagtatalo at alitan ng dalawang panig at di lumao'y naungkat ang pagtatalo nila patungkol sa "Right of Way" na s'yang nagtulak sa kaniya upang pagbabarilin ang mga biktima, base sa pahayag ni Lt. Col. Noriel Rombaoa, hepe ng Paniqui Police.
Sa parehong araw, sumuko si Nuezca sa Pangasinan Municipal Police at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Paniqui Police Station.
Kaugnay nito, kung matatandaan nitong ika-24 ng Nobyembre—sa isang public hearing—mariing inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng kapangyarihan sa kapulisan na pumatay.
"'Wag kayong matakot pumatay. Hayaan mong 'yang human rights." ani Duterte.
Kung ayaw niyong i copy/lagay sa module niyo wag niyo nalang kong ayaw niyo it’s your choice.
Answers & Comments
Answer: