Questions


September 2022 2 4 Report
#please po answer niyo pong mabuti po sa lamat po ,
I. Bilugan ang titik Ng tamang sagot.
1. Ano ang tamang kahulugan ng salitang "alamat"?
a. Isang kuwento ng pinagmulan ng lugar o bagay.
b. Isang uri ng pampanitikan na nagsasaad ng pang-araw-araw na
gawain ng isang tao.
c. Isang uri ng akda na nagpapakita ng pagiging matapang ng isang
tao at kung paano niya ito nalagpasan na may positibong
pananaw sa buhay
d. Isang uri ng panitikan na naglalahad ng mga magagandang
pangyayari sa isang tao kung paano niya nailigtas ang kanyang
mga kapwa mula sa isang traydor na tao.
2. Ang Alamat ay naglalaman ng mga elemento. Ano ang mga ito?
a. Tauhan at Banghay
b. Tagpuan at Tauhan
c. Tauhan, Tagpuan at Banghay
d. Wala sa nabanggit
3. Nagbibigay-buhay sa mga pangyayari sa kuwento, maaaring mabuti o
masama.
a. tauhan
b. tagpuan
c. banghay d. katapusan
4. Ito ay tumutukoy sa panahon at lugar kung saan naganap ang Alamat.
a. tauhan b.tagpuan
c. banghay
d. Tunggalian
5. Ito ay tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa Alamat.
a. tauhan
b. tagpuan c. banghay d.kasukdulan
6. Ito ay bahagi ng banghay kung saan ang kawiliha ng mga mambabasa
aynakasalalay
a. simula
c. kasukdulan
b. tunggalian
d. saglit na kasiglahan
7. Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga
suliraning kanyang kahaharapin.
a. simula
c. kasukdulan
b. tunggalian
d.Lahat ng nabanggit
8. Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya't ito ang
pinakamaksiyon. Sa bahaging ito unti-unting nabibigyang-solusyon ang
suliranin at dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing
tauhan o hindi
a. simula b. tunggalian c. kasukdulan d. kalakasan
9.Ito ang pababang aksiyon ng kuwento kung saan unti-unting nang
nasosolusyunan ang mga suliranin sa kuwento
a. kakalasan b. wakas c. kasukdulan d.tauhan
10.Ang kinahinatnan ng kuwento na maaaring masaya o malungkot.
a. kakalasan b. wakas
c. kasukdulan d. tunggalian​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.