Questions


September 2023 0 1 Report
PLEASE MAKE A SUMMARY:

Ang simbolo ay isang kagamitang pampanitikan na may patong-patong na mga kahulugan. Ang paggamit ng simbolo o sagisag ay nakatutulong nang malaki sa pagiging masining ng isang akda. Inaakay nito ang imahinasyon ng mambabasa na makibahagi sa pagiging manlilikha ng may-akda. Iba’t iba ang anyo ng simbolo, ngunit kadalasang isa itong bagay na kumakatawan sa isa pang bagay upang magkaroon ito ng mas malalim at makabuluhang kahulugan. Nagbabago ang kahulugan ng mga simbolo depende sa konteksto ng pagkakagamit sa mga ito. Halimbawa, ang “kadena” ay maaaring gamiting simbolo ng mahigpit na pagkakaisa, ngunit maaari din itong gamiting simbolo ng pagkakabilanggo. Ang “kalapati” ay ginagamit na simbolo ng kapayapaan, ngunit sa relihiyong Kristiyano, simbolo ito ng Espiritu Santo. Isa ring halimbawa ang “pusod” na ginagamit na simbolo ng pagiging magkapatid. Ang salitang utol ay nagmula sa kasabihang kaputol ng pusod na ang ibig sabihin naman ay kapatid. At pinaikli pa ito sa tawagang ‘Tol.’ Ito ang tawagan ng magkakapatid at malapit na magkakaibigan. Ang kahulugan ng bawat simbolo ay laging nakadepende sa kung paano ito ginagamit o kung sino ang nagbabasa nito.

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.