"Libre ang mangarap kaya mangarap ka hangga't gusto mo."Lahat siguro ng tao alam ang linyang ito.Mapabata man o matanda.Lahat ng mga naisin o plano mo sa buhay ay nagsisimula sa simpleng pangarap.Pangarap na iniisip mo pa lang,nagbibigay na agad ng kasiyahan sayo.Ngunit bakit may mga pagkakataon na kailangang panghinaan ng loob?Dahil ba sa hindi ito kayang gawin?
Ayon nga sa Walter Elias Disney,"Kapag kaya mo itong pangarapin,kaya mo itong gawin."Makakaya mo ito kungbukas ka sa lahat ng posibilidad.Makakaya mo ito kung matatag ka.Makakaya mo ito pag may paniniwala ka at makakaya mo ito pag nagsikap ka.Hindi mo makakamit ang pinapangarap mo kung una pa lang ay susuko kana.Kailangan mo lang ng tamang timing.Timing at plano kung ano nga ba ang mga dapat gawin para maabot mo ang pangarap mo.Hindi ka naman kasi mangangarap kung hindi mo talaga ito gusto. Kaya lagi mong ilagay sa sentro ng pangarap mo ang puso mo.Gawin mong inspirasyon lahat ng tao na nakapaligid sayo.Kaya mo yan!Mangarap ka at matutupad ito lalo na at kasama mo ang Panginoong Diyos.
Answers & Comments
Explanation:
"Libre ang mangarap kaya mangarap ka hangga't gusto mo." Lahat siguro ng tao alam ang linyang ito. Mapabata man o matanda. Lahat ng mga naisin o plano mo sa buhay ay nagsisimula sa simpleng pangarap. Pangarap na iniisip mo pa lang, nagbibigay na agad ng kasiyahan sayo. Ngunit bakit may mga pagkakataon na kailangang panghinaan ng loob? Dahil ba sa hindi ito kayang gawin?
Ayon nga sa Walter Elias Disney, "Kapag kaya mo itong pangarapin, kaya mo itong gawin." Makakaya mo ito kung bukas ka sa lahat ng posibilidad. Makakaya mo ito kung matatag ka. Makakaya mo ito pag may paniniwala ka at makakaya mo ito pag nagsikap ka. Hindi mo makakamit ang pinapangarap mo kung una pa lang ay susuko kana. Kailangan mo lang ng tamang timing. Timing at plano kung ano nga ba ang mga dapat gawin para maabot mo ang pangarap mo. Hindi ka naman kasi mangangarap kung hindi mo talaga ito gusto. Kaya lagi mong ilagay sa sentro ng pangarap mo ang puso mo. Gawin mong inspirasyon lahat ng tao na nakapaligid sayo. Kaya mo yan! Mangarap ka at matutupad ito lalo na at kasama mo ang Panginoong Diyos.
Sana po makatulong. ☺️