B.Tama,dahil mayroon ang tao ng isip at kilos-loob kaysa sa ibang nilikha ng Diyos
Explanation:
Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha?
Ano ang natuklasan mo sa iniisip at ang ginagawa ng tao? Ano ang kaugnayan ng dalawang ito? Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang tama kahit pa alam niya ito, may kakayahan pa rin siyang mag-isip ng paraan upang baguhin at paunlarin ito.
Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa kanya. Ang mga katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya, katangiang taglay lamang ng tao na nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang
sangkap: ang isip, ang puso at ang kamay o katawan.
Isip. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Ito ay may
kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, magalaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Kaya’t ang isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason), intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness), konsensya (conscience) at intelektuwal na memorya (intellectual memory) batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.
Puso. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon. Sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao. Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay dito natatago.
Kamay o katawan. Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig o pagsusulat). Ito ang karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa. Hindi sapat na naiisa-isa ng tao ang iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, ang mahalaga ay maunawaan niya kung anu-ano ang gamit ng mga ito. Mahalagang bahagi ng pagkatao ang katawan, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan. Sa pamamagitan ng katawan, naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang
kalooban. Ito rin ang instrumento sa pakikipag-uganayan sa ating kapwa.
Answers & Comments
Answer: