Pista sa Barangay
“Heto na ang musiko. Bababa na ako,” sigaw ni Bert sa
mga kalaro.
“Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,” nagma
madaling bumaba sa puno ng makopa ang mga bata.
Nagkagulo ang mga bata nang makita ang Ati-atihan na
sumasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol. Buong siglang
umiko’t-ikot ang mga majorette at ang kanilang baton na nasa
bandang harapan habang tumutugtog ang banda.
Ang mga tao ay talagang nagkakagulo. Talagang ang
saya ng pista sa barangay. Puno ng pagkain ang mesa,
may adobong manok, mitsadong karne ng baka, paksiw na
pata at marami pang iba. May banda ng musiko sa umaga at
sa gabi ay may prusisyon. Suot ng mga mata- tanda ang
kanilang saya at nakikihanay sa mga kabataang umiilaw sa
prusisyon.
Ang problema ay nararamdaman sa kinabukasan o
ilang araw pagkatapos ng pista. Pata at malata ang katawan
ng mga tao. Kung wala silang natirang handa ay magtitiis na
lang sila sa mga de lata o sa ginataang gabi.
Ganyan ang mga Pilipino noon. Subalit unti-unting
nababago ito. Sa kasalukuyan pinagdiriwang pa rin ang ka
pistahan sa pamamagitan nang simple at makabuluhang
pagdiriwang.
Panuto: Bumuo ng limang (5) katanungan mula sa binasang
kuwento ng “Pista sa Barangay”.
Answers & Comments
|•Answer•|
__________________
1. Bakit kailangang ipagdiriwang ang pista?
2. Bilang isang mag - aaral na pilipino paano mo pahalagahan ang pagdiriwang ng pista?
3. Ano ang kinagigiliwan ng mga tao o ginaguguluhan?
4. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang isang pagdiriwang?
5. Bakit kaya unti-unting nagbago ang mga pilipino sa pagdiriwang?
______________________
Hope it helps po
Check if it's wrong