Tama o Mali
1.Kung walang anuman at sinuman na humahadlang sa iyong pagsasagawa ng iyong naisin nangangahulugan ito na natatamasa mo ang kalayaan.
2.Ang pagiging sensitibo sa gawang masama ay nakakahubog sa mga pagpapahalaga sapagkat ito ay nagbibigay ng mga senyales kung mayroon mang nagawang mali o hindi dapat. Ginagamit ito upang maging gabay sa paggawa ng tama at pag-iwas sa mali.
3.Kung isa man sa layunin(intensiyon) at pamamaraan ng kilos ay mabuti, maituturing na ang kabuuan ng kilos ay para sa kabutihan.
4.May mga maling kilos na maituturing na wasto kung ito ay katanggap-tanggap na ng karamihan at lipunan.
5.Ang pagsasabuhay ng mga Birtud ay nangangahulugan ng determinasyon sa pagpili at paggamit ng mga mabubuting pagpapahalaga sa bawat sitwasyon at pagkakataon.
6.Madali ang makapamuhay ng may disiplina sa sarili sapagkat ito ay kalakasan na taglay ng tao *
7.Ang pagkakaroon ng moral na integridad ay ang pagsasabuhay ng unibersal at pagpapahalagang moral.
8.Mahalagang mapaunlad ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa paghubog ng mga pagpapahalaga sapagkat ito ang magbibigay sa tao ng matibay na pundasyon upang mapalago ang mabuting pagkatao at makaiwas sa immoralidad. *
9.Ang pamilya ay kabilang sa mga panloob na salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng mga pagpapahalaga sapagkat dito nagsisimulang mahubog ang ating pagkatao
10.Ang pagdidisiplina ng magulang ay maituturing na pagpaparamdam ng pagmamahal sapagkat ito ay kanilang pamamaraan upang makasigurado na ligtas at magiging mabuting tao ang kanilang mga anak.
11.Ang tanging layunin ng paaralan ay ihanda ang isipan ng bawat mag-aaral upang magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang mabuting kinabukasan.
12.Hindi dapat namimili/pinipili ng kaibigan, sapagkat ang lahat ng kaibigan ay maaari mong makasama sa panahon ng saya at maging panahon ng suliranin sa buhay. *
13.Ang mapagkakatiwalaang kaibigan ay hindi kaylanman magbibigay ng impormasyon na maaaring makapagpababa o makasira ng pagkatao ng kaniyang kaibigan.
14.Bilang ikaw ay isang kaibigan malaki ang maiiambag mo sa paghubog ng pagpapahalaga ng iyong kaibigan kung kaya't dapat magkasama ninyong isipin ang mga bagay na makakapagpapalago ng inyong mga angking pagpapahalaga.
15.Ang tunay na kahalagahan ng kultura at pagpapaunlad ng lipunan ay ang pagkakaroon ng mataas na antas panlipunang pagbabago tungo sa karunungan at kabutihan. *
16.Ang pagiging mahirap ay walang kinalaman sa paghubog ng pagpapahalaga dahil patas lamang dapat ang mga pagpapahalaga ng tao, mayaman man o mahirap
17.Malaki ang hamon o banta ng social media kung kaya't kailangan na maging kritikal at matatag sa pamimili ng mga paniniwalaan at tatanggaping impormasyon.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.