Sang ayon ako sa palagian pagsusuot ng face mask lalo na sa lugar na maraming tao, ngunit sa tingin ko hindi nakakatulong ang face shield dahil una nakakadagdag ito sa pagkonsumo ng tao sa paggamit ng plastik at mabilis magasgasan. Pinaniniwalaan ng ilang eksperto na hindi nakakatulong ang faceshield upang hindi mahawaan ng Covid 19. Mas higit na nakakatulong kung magsusuot na lamang ng facemask.
Sang ayon din ako sa pagkakaroon ng physical distancing at pagbabawas ng bilang ng tao sa mga mass gathering at mga pumapasok sa mga restaurant upang mapabagal ang pagdami ng nagkakaroon ng sakit. Kadalasan ang impeksyon ay kumakalat sa loob mismo ng tahanan o nagmumula sa mga gathering.
Sa tingin ko makakatulong na mas pag-ibayuhin pa ng pamahalaan ang kanilang mga hakbangin upang tuluyan nang bumaba ang kaso ng mga nagkakasakit. Higit sa lahat ay ang pagdami ng mga Pilipinong nababakunahan upang makamit ang herd immunity.
Answers & Comments
Verified answer

Dagdag na kaalaman tungkol sa Covid19 brainly.ph/question/11601904
#BRAINLYFAST