Ang pinakamahabang epiko sa Pilipinas ay Darangan. Ito ay epiko na mula sa Mindanao at nasusulat sa wikang Maranaw. Ito ang pinakamahaba dahil naglalaman ito ng dalawamput limang (25) kabanata. Ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga bayaning Bumbaran. Ang Darangan ay kinilala ng UNESCO bilang Masterpiece of the Oral Intangible Heritage of Humanity.
Kahuligan at Uri ng Epiko
Ang epiko ay mula sa salitang Griyego na epikos at epos. Ang ibig sabihin ng mga ito ay salita, kwento o tula. Mula sa kahulugan, ang epiko ay tumutukoy sa tulang pasalaysay na naglalarawan sa buhay at kabayanihan ng isang tao. May tatlong uri rin ito. Ito ay epikong sinauna, epikong masining at epikong makutya.
Epikong Sinauna - Ang epikong ito ay tinatawag na sinauna dahil ang uring ito ay nagsimula noong unang panahon. Ang karaniwang katangian ng pangunahing tauhan ay kahima-himala at kumakatawan sa adhikain ng isang lahi o bansa. Ang tulang ito ay nagpasalin-salin sa mga bibig ng salinlahi at unti-unting nabuo.
Epikong Masining - Ito ay tinatawag na epikong makabago o epikong pampanitikan. Ito ay nasusulat sa marangal na kabuuan patungkol sa lunggati ng isang lahi at kabayanihan.
Epikong Pakutya - Ang paksa ng epiko na ito ay naglalahad na kutyain ang mga gawaing walang kabuluhan at pinag-aaksayahan lamang ng panahon ng tao.
Answers & Comments
Answer:

Explanation: